Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Hatol ni Kris Aquino sa aroganteng si Willie Revillame

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

NAGPAHAYAG na si MTRCB Chairman Consoliza Laguardia na may nilabag na batas si Willie Revillame sa inasal nitong pagpapatanggal ng footages ng lamay ni Tita Cory kamakailan sa Wowowee.

"Dapat siya ang ti-nanggal," pahayag ni Chairman Laguardia. Nilabag daw ni Willie ang section 3 ng PD 1986 kung saan bahagi nito ang 'contrary to law and good custom. ' Bukod sa nasabing violation ng TV host, nilabag din daw nito ang Code of Ethics ng KBP kaya magkatulong daw nilang iimbestiga-han at pag-aaralan kung anong aksyon ang ipa-pataw kay Revillame. Ayon pa kay Chairman Laguardia, ipinatawag na nila ang program produ-cer ng naturang noontime show para pag-usapan ang kaso ng aroganteng TV host.

Samantala, nagbigay ng pahayag si Willie sa TV Patrol kahapon na kung anuman ang magi-ging parusa sa kanya ay kanyang tatanggapin. Pa-hayag din ng spokesperson ng pamilya na si Dee Dee Sytangco.

"It is regrettable and a crass attempt to desecrate the memory of the beloved Tita Cory. "

Ang hinihintay ng da-an-daang libong nakiramay at sumama sa burol ni Tita Cory ay pahayag ni Kris Aquino. We heard from Boy Abunda na simula bukas, balik-trabaho na si Kris. Sana ay magbigay siya ng comment tungkol sa hindi katanggap-tanggap na ginawa ni Revillame sa lamay ng kanyang beloved mother.

* * *

SA presscon kamakalawa ng kahapon ng mag-asawang Carlo Caparaz at Donna Villa ay sinagot nila ang lahat ng batikos ng mga elitistang nagsa-sabing walang karapatang maging National Artist ang sikat na novelist-director.

"Sa nakikita kong reaction ng iba, palagay ko nabibigla lang sila. Makakapag-isip-isip pa rin sila na 'yong pambansang parangal na 'yon ay hindi ko hiningi. Hindi ko ipinakiusap ka-hit kanino kundi ipinag-kaloob sa akin ng mga lupon na siyang pumipi-li at ng Pangulo ng Pili-pinas. Sino naman ako para tanggihan ang ganoong klase ng parangal. Yong sinasabi nilang pagiging malapit ko kay PGMA, totoo na malapit talaga ang loob ko sa Pangulo dahil naniniwala ako sa liderato niya.

"Tinulungan kami ng Presidente nang i-revive namin ang komiks at hindi na naputol ang pasasalamat ko sa ginawa niyang 'yon. "

Sabi pa ni Direk Carlo, sana ay huwag haluan ng pulitika ang parangal na natanggap niya dahil ka-wawa naman ang mga tu-lad nilang mga alagad ng sining.

"Gusto yata nitong mga sectoral elitista na sila lang ang may karapatang tanghaling National Artist. Paano na lang kaming mga nabibilang sa mahihirap na angkan? Wala na ba kaming karapatan na mahirang na National Ar-tist?

"Sila lang ang may mataas na pinag-aralan at nabibilang sa mara-rangyang buhay ang da-pat pagpiliang maging National Artist?" wika ni Direk Carlo na may hina-nakit sa tinig.

Tinanong ni Carlo Caparas ang mga repor-ter at TV crew na dumalo sa ipinatawag na presscon sa NCCA kung may karapatan ba siyang tanghaling National Ar-tist? Napakalakas na sigaw na "Oo" ang tugon.

* * *

HINDI raw nagustuhan ni Nadine Samonte ang role na ibinibigay sa kanya ng GMA7 ngayon tulad ng ginagampanan ni-ya sa Darna na one of those kontrabida na ma-kakalaban ni Marian Rivera. Katuwiran ni Nadine, binigyan na siya ng lead role sa Siyete at 'yong mga baguhan pa ngayon ang napagkakalooban ng magagandang roles.

Dahil sa tampo kaya siguro 'di nagtagal ang beauty ni Nadine sa presscon. Agad siyang umalis. Inaasahan daw kasi nito na mami-maintain niya ang status bilang bida or kontrabida, hindi tulad sa role niya sa Darna na isa lang siya sa maraming makakalaban ni Marian Rivera bilang Dar-na at isa pa siyang impaktita.

In fairness, kahit impaktita si Nadine sa Darna, lumutang pa rin ang ganda at innocent-look niya. Agaw-eksena rin ang impaktong nasa likod niya na si Mura pala. Da-pat daw, magpasalamat si Nadine dahil patuloy siyang binibigyan ng trabaho ng Kapuso. Tularan daw ni Nadine si Ales-sandra de Rossi na walang malaki or maliit na role. Kung papaano niya ipinu-portray ang papel na ipinagkaloob sa kanya 'yon ang mahalaga.

* * *

TSIKA ng kasamahan na-min sa panulat at PMPC, matabang ang ginawang pakikitungo sa kanila ni Manny Pacquiao nang puntahan at bisitahin nila ang shooting nitong Wa-pak Man na entry ng So-lar Films sa Metro Manila Film Festival.

Habang tsinitsika raw nila si Pacman, patuloy ito sa pagkalabit sa hawak na guitar at malayo ang loob sa pag-uusap-usap nila. Tinanong nila ito kung handa at wala nang makahahadlang sa pagpasok sa pulitika. Sagot daw sa kanila: "Depende, malayo pa 'yon, Tumatakbo naman ako araw-araw sa aking regular jogging. "

Kahit ramdam na raw nila na malamig ang paki-kitungo sa kanila ni Pacman ay nagpatuloy pa rin sila sa pagtatanong kung totoong si Nora Aunor ba ang kakanta ng Lupang Hinirang sa laban niya kay Miguel Cotto.

"Alam ko, 'yong La Diva ng SOP ang kakanta sa laban ko. "

Sinundan daw nila ng tanong kung naging close sila ni Ate Guy nang dumalo ito sa victory party sa U. S. ni Pacman nang manalo kay Ricky Hatton.

"Magkakakilala lang kami. Ganoon lang. Hindi 'yon masasabi na ano. .. magkaibigan," tu-gon daw ni Pacman.

Say tuloy ng kaibigan naming reporter, malaki na ang ipinagbago ni Pacman magmula nang magkamal ito ng malaking pera. Nalunod na raw ito sa kasikatang tinatamasa.

* * *

MATAGAL nang pangarap ni Marian Rivera na makapareha si Aga Muhlach.

Matutupad na finally ang dream ng bagong Dar-na dahil may project ang Regal Films na pagsasamahan nila ni Aga. Sa mga hindi nakakaalam, magkasabay ng birthday sina Marian at Aga. Pareho silang isinilang ng Agosto 12.

Anyway, nakarating sa amin na nang magkita sina Marian at Lolit Solis, tinanong daw ng huli ang una kung totoong si Dingdong Dantes ang nagpatanggal kay Mark Herras sa cast ng Darna. Nairita raw si Lolit sa naging sa-got ni Marian. 'Di ba PR ni Marian si Lolit?

Well, tatanungin na-min ang EP ng Darna kung totoo bang si Dingdong ang nagpatanggal kay Mark sa cast ng Darna.

Tatanungin din namin mismo si Dingdong kung totoo ang isyung pinagseselosan niya si Mark Herras.

Source: Taliba