Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Have John Lloyd Cruz and Liz Uy broken up?

Author: Gidget Alikpala
Column: Entertainment

Could it be true that John Lloyd Cruz and stylist Liz Uy called it quits already? Isang very reliable source ang nakapagbigay sa amin ng information na lately daw ay malungkot ang magaling na aktor dahil sa kanilang break up ni Liz.

Late last year, umingay ang balitang nagkakalabuan na daw sina John Lloyd at girlfriend nitong si Liz. Diumano, may kinalaman pa dito ang Malaysian-actress at bida ng katatapos lang na serye'ng "Kahit Isang Saglit" na si Carmen Soo.

Pinabulaanan naman ito ni John Lloyd nang mainterview siya ng The Buzz sa taping ng Boy & Kris. Wala daw katotohanan ang nasabing balita at ang insidenteng pagkikita ng dalawa sa isang restaurant ay coincidental lang at kasama mismo nila ang kani-kanilang mga kaibigan.

Pero ngayon, iba na raw ang istorya. Sa isang gathering daw ng mga family members ni John Lloyd ay napansin daw na malungkot ang binata. Naringgan daw ang isa sa mga relatives ni Lloydie saying na medyo nagkakaproblema at nagkakalabuan daw sila ni Liz.

Noong December daw, the two were still trying to fix things. Mukhang magiging malungkot ang Valentine's Day ni John Lloyd, unless biglang magbago ang ihip ng hangin at magka-ayos na sila ulit ni Liz.

Nahagilap namin si Sarah Geronimo sa presscon nito for Careline Cosmetics at naitanong namin sa kanya kung alam ba niyang naghiwalay na si John Lloyd at Liz.

Walang komento si Sarah tungkol dito dahil yung mga bagay na ganun naman ay hindi naman daw nila napag-uusapan. Concentrate lang daw sila sa kanilang trabaho sa set. Pero inamin naman ni Sarah na napansin nga niyang medyo malungkot at tila 'hindi inspired' si John Lloyd nitong mga nakaraang araw.

Well, hopefully magbigay linaw dito si John Lloyd Cruz sa isyung ito sa mga susunod na araw.

Source: ABS-CBN News