|
|
| Hayden Kho, 2 taong suspendido sa PMA![]() Author: Abante TALIWAS sa unang naglabasan na one year suspension ang ipinataw ng Philippine Medical Association o PMA sa kaso ni Dr. Hayden Kho, lumabas na nga ang desisyon ng PMA at sa halip na one year, two years ang exact years of suspension ni Hayden sa PMA na pinagtibay ng mga Board of Governors nito. May kaugnayan pa rin sa mga naglabasang sex videos ni Hayden ang naturang suspension at ang pag-amin niya na nasa ilalim siya ng impluwensiya ng bawal na gamot. Ang Commission of Ethics ang nagbigay ng rekomendasyon sa Board of Governors na liable for immorality and dishonorable conduct ang kontrobersyal na doktor. Dapat ay three years membership suspension sana ang ibibigay rito, pero ibinaba ito sa two years dahil sa kusang pag-amin ni Hayden ng kanyang ginawa at pagkakamali. Sa panig ni Katrina Halili, ang hinihintay naman nilang desisyon ay sa PRC (Philippine Regulation Commission) at kung papakinggan ang request nila, gusto nga nilang matanggalan ng lisensiya ang doktor. Hindi malayong magkasunud-sunod na rin ang mga desisyon na lalabas. Bukod sa dalawang naunang nabanggit, ang isinampa namang kaso ni Katrina sa Department of Justice kay Hayden ang hinihintay ang magiging desisyon. Source: Abante |