Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Hayden Kho claims the death of his 'old self'

Hayden Kho claims the death of his 'old self'

Author: Heidi Anicete

Noong Sabado, dalawang nakakagulantang na balita ang kumalat thru text messaging na siya ring ikinabigla ng nakararami, una na rito ay ang di umano'y pagpanaw ng sikat na teen icon na si Sarah Geronimo. Ayon sa text message na kumalat, nakaencounter raw ng aksidente si Sarah sa Cebu na siya ring agad na ikinasawi ng buhay nito. Upang pabulaanan ang nasabing balita, agad na nagpadala ng mensahe ang ina ni Sarah sa SNN na nagsasabing kasama niya ang dalaga na sa mga oras na iyo'y nasa mabuting kalagayan. Dagdag naman dito ng naghahawak ng schedule ni Sarah na si Chai Garcia, imposible raw na totoo ang nakasaad sa text dahil noong mga panahong kumalat ang nasabing balita'y kasalukuyan namang nasa commercial shoot ang teen star.

Maliban kay Sarah, isa pang personalidad na napabalitang pumanaw na noong Sabado ay ang kontrobersyal na doktor na si Hayden Kho. Ayon sa kumalat na text message patungkol sa doktor, nag-attempt daw muling magsuicide si Hayden na siya namang ikinamatay nito. Sinubukan namang kumpirmahin ng SNN mula sa abugado ni Hayden ang nasabing tsismis, at via phone interview ay mariin ring pinabulaanan ng nasabing panig ang alegasyon. Nang pumutok ang nasabing bali-balita, agad raw tinawagan ng abugado si Hayden para icheck, at laking pasasalamat naman daw nito na malamang hindi totoo ang nilalaman ng kumalat na mensahe. Bilang tugon lamang raw ni Hayden sa nabanggit na balita, nagpadala siya ng maikling mensahe sa abugado na nagsasabing 'The old Hayden Kho is dead. The new Hayden Kho is reformed and is trying to be better.'

Wala namang naging negatibong reaksyon si Katrina Halili sa pagkalat ng ganitong uri ng balita patungkol sa hinahabla niya ngayong si Hayden. Ayon sa kanya, hindi na raw ito nakakagulat dahil maski siya'y nabiktima na ng ganitong uri ng prank message. ' May kumalat din po sa akin, mga 2 weeks din po [tumagal]' paglalahad niya. Patungkol naman sa claim ni Hayden sa pagkamatay ng 'dating' Hayden Kho, inamin niyang masaya siya para dito. Hindi pa man daw niya makuha ngayon sa sarili ang lubos na pagpapatawad para sa binata, nananatili naman raw bukas ang pinto niya para iisang tabi ang galit lalo pa't nagbabadya na ang binata ng pagbabago. 'Sana po. Sana, sana 'di ba? Lahat po sana tayo may natutunan sa nangyari...for the better' pahabol niya kaugnay ng di umano'y reformation ni Hayden.

For access to exclusive videos and unedited interviews, join snnonline.multiply.com

Source: ABS-CBN Interactive