|
|
| Hayden Kho, magsasalita tungkol sa 'video scandal' kina Katrina at Rufa Mae![]() Author: Jojo Gabinete LUMABAS na kahapon mula sa Makati Medical Center ang controversial doctor na si Hayden Kho, Jr. Idea ng mga magulang ni Hayden ang magpainterbyu sila at ang kanilang anak para pabulaanan ang mga balita na wala na sa katinuan ang boyfriend ni Dra. Vicki Belo. Naalarma ang pamilya ni Hayden dahil sari-saring balita ang lumitaw mula nang kumalat ang isyu na nagtangkang magpakamatay ang dating Celebrity Duets contestant dahil hiniwalayan siya ni Dra. Belo. Sa paglabas ni Hayden sa ospital, inaasahan na sasagutin niya ang mga kontrobersya tungkol sa kanyang alleged video scandal at ang pagkakadawit ng mga pangalan nina Katrina Halili at Rufa Mae Quinto. Rekomendado namin sa lahat na panoorin ang One Night Only ng Canary Films at OctoArts Films dahil highly-entertaining ang pelikula. Si Joey Reyes ang director at scriptwriter ng One Night Only. Tanging siya lamang sa mga direktor na Pilipino ang nakakagawa ng pelikula na may koneksyon sa isa't-isa ang mga karakter. Mahusay ang mga artista ng One Night Only. Pantay-pantay ang kanilang mga role at binigyan sila ng mga highlight. Ang filmfest entry ng Canary Films at OctoArts Films ang nagustuhan ng screening committee ng Metro Manila Film Festival. Nag-predict naman ang theater owners na nakapanood sa pelikula na magiging blockbuster ito dahil siguradong kakalat ang balita na maganda ang pagkakagawa at very entertaining ang One Night Only. “Nag-shine” nang husto si Chokoleit sa One Night Only. Riot ang kanyang mga eksena at pinatunayan niya ang husay sa pagpapatawa. Effortless ang acting ni Chokoleit. Para sa kanya, ang One Night Only ang pinakamaganda sa mga pelikula na ginawa niya. Revelation sina Joross Gamboa at Valerie Concepcion. Perfect ang team-up nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis. Akmang-akma kina Diana Zubiri, Katrina Halili at Jennylyn Mercado ang kanilang mga role. Mahuhusay rin ang mga suporta ng pelikula, pero hindi ito magiging kumpleto kung wala ang brilliant performance ni Ricky Davao. Tuwang-tuwa sina Joey at OctoArts Films big boss Orly Ilacad sa mga papuri na narinig at natanggap nila tungkol sa One Night Only. Ang masigabong palakpakan ng audience nang matapos ang pelikula ang naging basehan nila na nagustuhan at magugustuhan ng manonood ang kanilang project sa opening day nito, bukas, Christmas Day. Human music box na tumutugtog ng Christmas tune, ang malaking bibig at ang dentista, ang nakakaaliw na male gymnast, ang masarap na human pancake, ang iniihaw na isda, ang human kid knife at ang bata na ginaya ang turntable sa pamamagitan ng paggamit ng hoola-hoop ang mapapanood bukas sa special Christmas episode ng Masquerade nina Maverick & Ariel sa Bilib Ka Ba Nights ng GMA 7. Source: Abante |