Sep 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpGoogle Groups

WELCOME!

Welcome to Telebisyon.net! Your online source of information about your favorite TV series. This site is fairly young and you are bound to encounter errors. Feel free to contact us if you happen to stumble upon an error. Your contributions, suggestions, and comments are more than welcome. :-)

 

Hearing nauwi sa rambulan!

Michaela Monteverde

Column: e-talk
Author: Beth Gelena

NAGKAROON ng rambulan sa Manila City Hall kahapon ng hapon matapos ang second hearing ng kasong child abuse na isinampa ng isa sa miyembro ng D'Baywalk Bodies, si Michaela Monteverde, laban kay Marynette Gamboa, producer ng Waterplus Productions.

Hindi nakarating si Marynette sa ginawang first hearing kamakailan. Pero kahapon, dumating siya kasama ang mga sumusuporta sa kanya.

Nagkaharap ang magkabilang panig — si Lito de Guzman, manager ng D'Baywalk Bodies, Michaela, ang diumano'y biktima ng pang-aabuso, at si Marynette nga.

Naging mainit na sila sa isa't isa nang magkita-kita pa lamang. Nagtinginan ng masama at nagpatutsadahan naman ang kani-kanilang supporters.

Ilang minuto naghintay ang fiscal at abogado na siyang humahawak sa kaso ni Michaela dahil natagalan dumating ang abogado ni Marynette.

Nagdesisyon na lang ang fiscal na 'wag nang hintayin ang lawyer ng producer dahil may iba pa raw siyang hawak na kaso.

Pinasumpa niya si Marynette at kinunan ng pahayag tungkol sa kasong isinampa ni Michaela laban sa kanya. Ang susunod na hearing ay itinakda sa May 18.

* * *

SAMANTALA, habang nakikipag-usap sa piskal ay 'di sinasadyang naapakan ni Michaela si Marynette. Ayon sa dalaga, nawalan daw siya ng balanse dahil sa pagkahilo sanhi ng kumikirot niyang sugat sa bandang puson.

Bagong opera pala ito dahil sa cyst sa parteng ibaba ng kanyang ovary. Pinilit lang daw niyang makarating sa hearing kahit hinang-hina pa siya.

Matapos manumpa si Marynette, naglabasan na ang mga tao sa courtroom. Kaya lang, bigla namang nagkagulo habang ini-interview ng TV ang personalities involved.

Nagulat na lang kami dahil nagrarambulan na ang bawat isa sa kanilang supporters. Ilang minuto rin ang itinagal ng kaguluhan. Palitan sila ng murahan at waring gustong makasakit ng kapuwa ang bawat kampo.

Ang nakapagtataka lang, hindi ang nagdemanda o idinemanda ang nag-umpisa ng gulo. Nang makausap namin ang ilan sa mga saksi, may nagsabing ang kampo raw ni Marynette ang nag-umpisa ng gulo, pero meron din namang nagsasabing sa panig nila Lito at Michaela nagsimula ang pang-aaway.

Lalo kaming nagulat nang biglang sumulpot sa eksena ang isang nagngangalang Lyn Madrigal. Siya ang may pinakamalakas na boses at nagsisisigaw kung bakit daw siya sinampal, eh, hindi naman daw siya kasali sa gulo.

Maging ang PR ng D'Baywalk Bodies na si Danny Batuigas ay nasaktan. Hindi siya nakapagtimpi kaya nakapagbitiw ng salitang, "Ikaw na isang swindler, gangster!," na hindi namin matukoy kung sino ang kanyang pinatutungkulan — si Lyn ba o kay Marynette?

Siyanga pala, nilinaw din ni Marynette na wala siyang alyas na ginagamit. Hindi raw totoong tatlo ang pangalang ginagamit niya.

Hay naku, hanggang kailan at saan kaya hahantong ang demandahang ito? Sana naman magkaayos na sila, tutal naman iisa lang ang mundong kanilang ginagalawan.

Kaya lang, pa'no nga kaya, eh, kung sa May 26 may hearing pa raw sila para sa breach of contract na isinampa naman ni Marynette sa Quezon City Hall laban sa talents ni Lito?

* * *

KINU-CONGRATULATE namin at ng editor naming si Ian Fariñas sina Ricky Lo at Melanie Marquez para sa success ng bago nilang show sa GMA-7, ang Showbiz Stripped, sa ratings game. Bago man, naungusan pa nito ang katapat na programa ng kaibigan ni Ricky na si Boy Abunda, ang Kontrobersyal, sa ABS-CBN.

Ang rating ng magkalabang shows: Showbiz Stripped, 10.3 percent; Kontrobersyal, 8.8. (Congrats again, Ricky and Melanie! Keep up the good work! — IF)

* * *

PINAG-UUSAPAN na ang bagong teleserye na pagsasamahan nina Claudine Barretto, John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ang Ikaw ang Lahat sa Akin, na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Sa teaser pa lang na ipinakikita, marami na ang naiintriga. Ano raw ba ang role ni Claudine sa buhay nina Bea at John Lloyd?

For the record, nakapagdala na ng kani-kanyang teleserye ang mga bida rito. Lahat ng teleserye ni Claudine ay pawang hit, at maging ang It Might Be You nina John Lloyd at Bea ay hinding-hindi malilimutan ng televiewers.

Kasama rin sa Ikaw ang Lahat sa Akin sina Diether Ocampo, Angelika dela Cruz at Shaina Magdayao.

Source: People's Tonight