|
|
| Heart Evangelista ayaw maka-love team si Dennis TrilloAuthor: Noel Asiñas PAGKATAPOS makipag-break ni Heart Evangelista kay Francisco Delgado last January, isinara muna niya ang puso sa tawag ng pag-ibig. Career muna ang aatu-pagin ng dalaga. Sorry na lang kay Dennis Trillo na balitang gustong lumigaw kay Heart dahil 'di siya papansinin nito. Speaking of Francisco. Ayon sa bida ng Luna Mystika, bata pa siya ay crush na niya ito although malayo ang agwat ng kanilang age. Kaya nang nag-break sila ni Jericho Rosales at lumigaw sa kanya ito, 'di na nagdalawang isip si Heart na sagutin si Francisco. Ani Heart: 'Di nag-work ang relasyon namin. Kaya pagkatapos ng pitong buwan, nag-break kami. " 'Di naman naapektuhan si Heart ng hiwalayan nila ni Francisco. "Madali lang naman kami. 'Di tulad ng nakaraan , matagal kami ni Echo," wika pa ni Heart. Inamin ni Heart na iniyakan niya noon nang husto si Jericho. Naka-move on na siya at ngayo'y balik-showbiz siya. By the way, hindi ti-nanggap ni Heart ang bagong project na ibinibigay ng GMA-7. Isang afternoon soap ito kung saan kapartner sana niya si Dennis Trillo na may titulong Muling Buksan ang Puso, movie noong 1985 nina Vilma Santos at Dindo Fernando. * * * SPEAKING of Dennis. Bukas (Feb 16) ay last taping day na ng soap niyang Gagambino. Nagpapasalamat siya sa Kapuso sa pagbibigay sa kanya ng gani-tong project. First solo action-adventure soap ni Dennis ang Ga-gambino. Napatunayan di-tong magaling at versatile actor siya. Ngayong Sunday sa SOP, may farewell celeb-ration ang Gagambino. Da-rating ang buong cast ng soap. Dadalo rin sina Dingdong Dantes at Marian Ri-vera at lahat ng mga love team ng Kapuso para sa ce-lebration ng Araw ng mga Puso. May TV launching ang bagong afternoon soap ng GMA-7na Paano Ba ang Mangarap na tampok sina Mark Herras at Jennylyn Mercado. * * * 'DI si Jon Avila ang iniyakan ni Rufa Mae Quinto nang dumating siya sa presscon ng Philosophy by Mikaela Advanced Aesthetic Center sa Imperial Palace function room last Thursday night. Wala raw silang relasyon ni Jon. Pero, inamin niyang nagde-date sila kapag may time sila pareho. Ani Rufa Mae: "May naalaala lang ako bago ako pumunta sa presscon. Umiyak ako nang umiyak sa car. Wala akong Valentine date ngayon. 'Di puwede si Jon dahil may taping siya. Ako ay may concert. Trabaho pa rin sa Araw ng mga Puso. May ay tatlong shows si Ruffa Mae sa GMA-7, ang Bubble Gang tuwing Friday, at dalawa every Sunday -- SOP at Showbiz Central. Kinuha si Rufa Mae ng owner ng Philosophy by Mikaela na si Mikaela Bilbao bilang endorser ng kanyang salon para sa skin whitening service. Naiiba ito dahil may patented brand na regenerative power white stemcels treatment na nagga-guarantee ng renewal and instant rejuvenation of the skin. Kasama ni Rufa Mae bilang endorsers ng Mikaela sina Ruffa Gutierrez para sa services ng Make-up and hair care styling. Ang Philosophy ang may exclusive distributorship ng stylish Frederic Fekkai products sa Pilipinas. Endorser din ng Mikaela si Pops Fernandez para sa produktong Mikaela non-evasive slimming service na kung tawagin ay Nova-Shape (isang technology na gumagamit ng ultrasounds para sa rapid burning ng body fats), at multi-polar (machine na gumagamit ng radio-frequency para sa instant tones, tightens and slims effect ng katawan). Matatagpuan ang Philosophy by Mikaela sa Penthouse level, Arnaiz Ave. , Makati , and/or ground floor Forbes-town Center , Rizal drive, Bonifacio Global City. Magkakaroon ng bran-ches ang Philosophy by Mikaela sa Sgt. Esguerra, QC, at sa Alabang. * * * PATULOY na mapapanood ang Dear Friend ngayong Sunday pagkatapos ng SOP. * * * AYAW patalo sa ratings ng programa ni Sen. Bong Revilla na Kap's Amazing Stories. Consistent no. 1 ito sa kanyang timeslot. Very interesting and informative ang mga tinatalakay dito ni Sen. Bong tuwing Sunday. * * * BUKAS sa Ripley's Believe It or Not, kamangha-manghang pangyayari at mga kabilib-bilib na tao ang magpapakitang-gilas. 'Di ito sabi-sabi. Hindi haka-haka, dahil mapapanood sa Lunes ng gabi ang Ripley's Believe It Or Not hosted by Chris Tiu. Source: Taliba |