Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Heart at Jen, 'di pa sigurado sa 'Heaven' ni Dingdong!

Author: Abante

HINDI sinipot ni Dingdong Dantes ang event niya sana sa Hong Kong noong weekend, dahil hindi niya maa-afford na pagdating ay i-submit ang sarili sa self quarantine ng 7-10 days. 'Yun kasi ang ibinabang memo ng GMA-7 para sa mga artists at talents ng network na galing sa ibang bansa.

“Actually, matagal na naka-schedule 'yung event na 'yun sa Hong Kong.

Kaya akala ko nga rin, hindi ako makaka-attend ng Guillermo ngayon (sina Dingdong at Marian Rivera ang binigyan ng award bilang Most Phenomenal Love team at ang kanilang soap na Dyesebel naman ang Most Popular Program). Kaso, wala ka­ming magawa dahil sa ibi­nabang memo. After kasi ng Hong Kong, diretso na ko sa pictorial para sa Stairways To Heaven, na lalabas maybe in August at after that, shooting ng movie,” kuwento ni Dingdong.

Ilang beses na raw kasing na-cancel ang shooting ng Kimmydora na kung saan siya ang leading man ni Eugene Domingo at si Piolo Pascual ang isa sa mga producer.

Excited din si Dingdong dahil by first week of July, posible na rin daw i-launch ang isa pa sa mga bagong project na pinagka-abalahan niyang gawin the past few weeks.

On the other hand, kahit na iba't-ibang pa­ngalan na ng Kapuso actress tulad nina Heart Evangelista at Jennylyn Mercado ang nagla­labasan na siyang gaganap daw na Jodi at magiging bago niyang ka-loveteam sa Stairway to Heaven, ayon kay Dingdong, nagsasabi siya ng totoo na kahit siya mismo, wala pang ideya kung sino talaga ang kukuhanin ng network.

“Ang alam ko, wala pa rin yata hanggang ngayon, although, hindi ko rin talaga alam sa network kung may napili na sila. Pero, hindi pa lang nila sinasabi, puwede naman 'yun. So sa nga­yon, ayoko munang isipin. Kung sinuman, I know na 'yun ang karapat-dapat para sa role.”

Source: Abante