Oct 07
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Heart at Richard, dedma kay Echo sa Dubai

SA nakuha naming balita mula sa kaibigang Bernard Cloma na ngayon ay nasa Dubai pa kasama ang grupo ng Codename: Asero na nagte-taping du'n, aware si Heart Evangelista sa lahat ng pinagsasasabi ng ex-BF na si Jericho Rosales dito sa 'Pinas. Pero, mas ...

 

Heart at Richard, dedma kay Echo sa Dubai

Author: Eric Morales

SA nakuha naming balita mula sa kaibigang Bernard Cloma na ngayon ay nasa Dubai pa kasama ang grupo ng Codename: Asero na nagte-taping du'n, aware si Heart Evangelista sa lahat ng pinagsasasabi ng ex-BF na si Jericho Rosales dito sa 'Pinas.

Pero, mas pinagkakaabalahan daw ng dalaga ang pagtatrabaho kasama ang bagong leading man na si Richard Gutierrez, at maging ang sobrang init ng temperatura'y hindi iniinda.

Kailangan daw kasing matapos agad ng grupo, sa pangunguna ng senior program manager na si Redgie Acuña-Magno at Direk Mark Reyes, ang magagandang eksenang kinukunan sa siyudad at mga disyerto ng Dubai.

Isa raw si Bernard sa mga umaaliw sa pagud-pagurang production staff. Alam naman kasi sa showbiz industry ang antics at kakulitan ni Bernard, na kinaaaliwan ng lahat, kahit anong kulit.

Minsan daw kasi, ani Bernard, sa sobrang hirap at init sa disyerto, kailangan nilang tumigil sa pagte-taping at magre-resume na lang bandang hapon hanggang sa dumilim.

Marami raw Pinoy sa Dubai na laging nag-aabang sa mga artistang hinahangaan nila para lang makapagpakuha ng pictures at magpapirma ng autograph.

Sad to say, madaling araw na raw umaalis ang grupo at umuuwi ng hatinggabi. Natural, wala na silang panahon pang makipagtsikahan sa fans dahil bagsak at lutaytay na sa maghapong pagtatrabaho.

Nakatakda raw matapos ang Dubai taping ng Codename: Asero this week. Babalik na sina Richard, Heart and company sa bansa sa Lunes, May 19.

* * *

LALONG pinag-iigi ni Direk Joyce Bernal at ng production crew ang magagandang eksena sa Dyesebel dahil matagumpay ang pilot week nito.

Hindi lang pala sina Chard at Heart ang iniidolo sa Middle East, kundi maging si Marian Rivera at enjoy ding manood ang Pinoy OFWs doon ng Joaquin Bordado at Babangon Ako't Dudurugin Kita.

* * *

MUKHANG nagiging paborito ng Bubble Gang sina Aljur Abrenica at Rhian Ramos, ha. Ilang linggo na silang guest sa top-rating gag show ng GMA-7 at mukhang malaki nga ang naitutulong nila sa ratings ng naturang programa. 'Yun na!

Source: People's Tonight