Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Heart, balik-trabaho pagkatapos maoperahan

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Balik-S. O. P. this Sunday si Heart Evangelista after her appendectomy operation, nauna na siyang nag-resume ng taping ng Ngayon at Kailanman nila ni JC de Vera na nasa last two weeks na lang bago magtapos.

Bukas ang last taping ng Ngayon at Kailanman at malalaman na kung magkakabalikan sina Ayra (Heart) at Edwin (JC) at kung ano ang mangyayari kay Donna (Arci Muñoz). Ang Full House ang next series ni Heart opposite Richard Gutierrez.

Samantala, tama lang pala na hindi natuloy si Heart sa Patient X, ang horror movie na co-produced ng Viva Films, GMA Films at IcedOut Productions, dahil nagka-nightmare raw ito kahit one day shooting pa lang siya. Naalala naming minsang nabanggit ni Heart na ayaw niyang gumawa ng horror movie dahil against her religion yata o principle.

* * *

Hindi magpapatalo ang bagets cast ng Stairway to Heaven sa adult cast ng series dahil pare-parehong mahuhusay sina Joshua Dionisio, Jhoana Marie Tan, Jake Vargas at Barbie Fornoza sa role nilang young Cholo, young Eunice, young Tristan at young Jodi.

Barbie is 12 years old, nag-audition siya sa Marimar at Dyesebel lumabas sa Darna na isa sa mga bata sa ampunan. Ang STH ang first big project niya sa GMA-7. Crush nito si Dennis Trillo at napatili nang malamang launching ng series sa S. O. P. mamaya at makikita niya ang actor. Ito ay kung present si Dennis dahil apektado ito sa nangyari sa kaibigang nalunod sa Boracay.

Katorse naman si Joshua na unang nadiskubre sa commercial at lumabas sa mga shows ng ABS-CBN bago nag-audition sa Channel 7. Malaking tulong ang workshop nila ni Barbie kay Direk Mac Alejandre para lumabas ang kanilang chemistry at isiping nagmama-halan talaga sila.

Lumalabas na sa mga shows ng Channel 7 si Jhoana Marie gaya ng Magpakailanman, pero nag-audition pa rin siya at masaya na sa kanya napunta ang role ng salbahe at young Eunice. Tiyak kaming magagalit ang viewers sa kasamaan niya at pang-aapi kay Jodi.

* * *

Tuwang-tuwa si Sheena Halili dahil sa bagong SRO Cinemaserye Presents...Reunion, hindi na lang supporting ang role niya dahil bida na rin siya kasama si Jennica Garcia. Masaya rito ito na magkadikit sila sa tarpaulin at sila lang ang nakalitrato.

"Big break din naman sa akin ang mga ginawa kong soap, pero ito ang biggest break dahil bida na ako. Ang dream ko naman ngayon ay magbida sa primetime at handa akong maghintay dahil alam kong darating 'yun," positive na sabi ni Sheena.

Kapareha ni Sheena rito ang ex-boyfriend niyang si Rainier Castillo at mas maganda ang pagtatrabaho nila ngayon dahil nakapag-usap na sila nang magkasama sa Dear Friend at wala nang ilangan sa kanila. Masaya siyang friend na uli sila ng actor at 'wag nang pag-usapan ang balikan dahil may non-showbiz GF na ang actor.

Mala-Romi and Michelle: High School Reunion ang pelikula, kaya comedy ito at tatawa ang viewers mula sa pilot sa September 17 hanggang sa matapos. Sa direction ni Soxie Topacio, kasama rin sina Mart Escudero, Jade Lopez, Stef Prescott, Kevin Santos at Gian Magdangal.

* * *

Sa pagtatapos ng Karibal episode sa Dear Friend, inamin na ni Darrell (Wendell Ramos) kay Cheska (Jennylyn Mercado) na si Claire (Jean Garcia) ang talagang mahal niya. Galit na galit si Cheska at feeling nito, inahas ng sariling ina ang BF niya at maglalayas sa sama ng loob.

Hindi titigil si Claire sa paghahanap kay Cheska dahil ang anak lang ang pinaka-importante sa kanya at gagawin niya ang lahat umuwi lang ito. Magi-guilty si Darrell dahil nagkagulo ang mag-ina, kaya lalayo na lang muna siya.

Paano magkakaayos ang mag-ina? Hindi na ba magkakatuluyan sina Claire at Darrell? Manood para malaman ang sagot sa Dear Friend sa direksyon ni Andoy Ranay after S. O. P.

* * *

Nalungkot si Sen. Loren Legarda sa result ng findings ng World Economic Forum dahil from number 71, bumaba sa number 87 sa world competitiveness ranking ang Pilipinas. Failure raw ito ng administration na resulbahin ang mga problema ng bansa.

Isa pang ikinalungkot ni Sen. Loren na sa mga Asian countries, ahead lang sa ranking ang 'Pinas sa Pakistan. "This shows that in Asia, we are the laggard in economic development and we are reaching the highest level of poverty among Asian countries," sabi nito.

Ayon kay Sen. Loren, big challenge sa next government after 2010 at kailangan natin ng leader na honest, strong at visionary. As of today, hindi pa nagde-declare si Sen. Loren kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa 2010.

Source: People's Tonight