Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Heart, excited maging anak ni Sharon

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

LAST three days na ng Ngayon at Kailanman na sabi ni Heart Evangelista, nagbigay ng big challenge sa kanya at pinaka-heavy sa mga ginawa niyang soap.

May taping day na tuluy-tuloy ang iyak niya at para 'di maubusan ng tubig sa katawan, inom siya nang inom.

Ayaw pang pag-usapan ni Heart ang next soap niya sa GMA-7 kahit alam nang siya ang makakapareha ni Richard Gutierrez sa Full House dahil ayaw niyang pangunahan ang network sa pag-a-announce.

Nang ma-interview, may binanggit si Heart na gagawing pelikula this year at this year din ipalalabas.

Hindi nito masabi ang title dahil under negotiation pa raw, pero may nagtsika sa aming Mano Po 6 ito at kung maaayos ang pag-uusap ni Annabelle Rama at ng Regal Entertainment, siya na ang gaganap na anak ni Sharon Cuneta sa isa sa mga entry ng Regal sa MMFF.

Kaya pala excited si Heart dahil makakasama niya si Megastar sa kanyang comeback movie kung saka-sakali.

* * *

MASAYA, pero naninibago si Gelli de Belen sa pamamalakad ng Backroom sa kanilang mga talent.

May sumasama sa kanya sa taping, may nag-aayos ng kanyang schedule, organisado ang lahat at kay Boy Abunda muna pumapasok ang mga offer sa kanya.

Alam ni Gelli na nang pumanaw si Douglas Quijano, si Boy ang magiging manager niya, pero hindi muna niya ito tinawagan at gustong mag-isip muna.

"Ang feeling ko, 'di ko kailangang magmadali dahil nasa GMA na naman ako at may napuwesto na sa akin si Dougs. May naoohan akong commitment na hindi dapat at noong nagti-taping ako ng All My Life sa Himlayang Pilipino, hindi ako makapag-concentrate sa rami ng nagti-text at tumatawag, du'n ko naisip na kailangan ko na ng manager at tinawagan ko na si Boy. 'Di na siya nagulat. He had a feeling na tatawag ako sa kanya," kuwento ni Gelli.

Tapos na ang AML at 'di pa rin makalimutan ni Gelli ang experience niya sa taping at saka niya na-realize na na-miss niya ang acting. Balik-Sis siya ngayon at kung bibigyan uli ng show, gusto niya ng sitcom at drama.

Natawa kami sa sagot ni Gelli na "subukan niya" nang biruin na mabuti't 'di nagkaanak sa ibang babae si Ariel Rivera. Twelve years na silang nagsasama at kaya sila nagtatagal dahil pareho sila ng priorities, goals in life at nagku-compromise sila.

* * *

MATUTUWA ang fans nina Jay-R at Kyla dahil muli silang mapapanood na umaarte at mangyayari ito sa 3 Bachelors episode ng Dear Friend na magsisimula sa Sunday, September 27, after SOP.

Sabi ni Jay-R, pumayag agad siyang gawin ang episode nang malamang si Kyla ang makakapareha dahil friends sila at kumportable siyang katrabaho ito.

Inamin ni Jay-R na may attraction sa kanya si Kyla, pero hindi niya ito niligawan dahil for the longest time, may GF siya at nang mag-break sila ng nobya, may BF na si Kyla.

Siguro raw, hanggang working relationship na lang sila. Kasama nila sa 3 Bachelors sina Mart Escudero, Paulo Avelino at Jennica Garcia sa direksyon ni Jun Lana.

Kahit hindi aminin, obvious na GF na ni Jay-R si Krissa Mae at kaya raw sila may chemistry dahil pareho silang bulol.

Hindi raw niya pinagselosan ang kissing scene nito kay Polo Ravales sa Darna dahil kasama 'yon sa trabaho.

* * *

NGAYONG Wednesday sa Stairway to Heaven, Jenna na ang pangalan ni Jodi (Rhian Ramos) at iniba na rin ni Tristan (TJ Trinidad) ang name niya - si Charlie na siya at magpapakilalang BF ni Jenna.

Ikatutuwa ni Eunice (Glaiza de Castro) na may amnesia na si Jodi at titiyakin naman ni Maita Aragon (Jean Garcia) na mapupunta si Eunice kay Cholo (Dingdong Dantes).

Babalik sa Amerika si Cholo, sasama sa kanya si Eunice. After five years, babalik ang dalawa at magkasintahan na sila.

Playboy na si Cholo at palaban na rin si Jenna. Sa isang party, magugulat si Cholo sa announcement ni Maita na malapit na ang kasal nila ni Eunice.

Source: People's Tonight