|
|
| Heart nagsinungaling!Column: Rated A Hindi kaya maging malaking issue sa ABS-CBN na ang Kapamilya star nilang si Judy Ann Santos ay bibigyan ng grand celebration ng SOP ngayong araw na ito, May 4 na programa ng Kapuso Network para sa kaniyang ika-30 taong kaarawan? Kung tutuusin, malaking issue nga ito dahil dapat ang Kapamilya ang nagbibigay kay Juday ng pagpapahalaga pero ang karibal pang istasyon ang nakaalala at nagbigay ng importansiya sa kaarawan ng young superstar. May 11 ang actual birthday ni Juday pero bibigyan na siya ng advanced birthday celebration ng SOP. Humabol kaya ang ASAP at bigyan din siya ng bonggang presentation sa araw mismo ng kaarawan nito? Ano sa palagay mo, kumadreng Alfie (Lorenzo)? * * * Ipinagmamalaki ng isang "bridgeman" na kumita umano siya ng tumataginting na P70,000 cash mula sa isang prominenteng businessman dahil siya ang naging tulay para makilala ang isang kilalang young actor. Type umano ng businessman ang young actor. With all his money, hindi imposibleng makilala at "makuha" niya ang young actor. Hindi umano nangiming bigyan ng P3M, plus other incentives, ang young actor dahil lamang sa kaniyang kakaibang serbisyo. Kung tutuusin, nagmula rin sa isang prominenteng pamilya ang young actor at may sarili rin siyang kita bilang aktor pero ang P3M ay hindi madaling kitain. * * * Nang makausap si Heart Evangelista ng mga entertainment writers na sumaksi sa kanyang pagpirma ng two-year exclusive contract with GMA 7 the other week, personal nitong pinabulaanan na break na sila ng boyfriend niyang si Jericho Rosales. Na kesyo nasa Alam din umano ni Echo ( Ang sa amin lang, bakit kailangan pa niyang magsinungaling at paikutin ang entertainment media? Kung tutuusin, kumpirmasyon lang ang kailangang marinig mula sa kanya tungkol sa kanilang break up dahil bago pa man siya humarap sa mga writers ay marami na ang nagsulat tungkol sa kanilang paghihiwalay. Dapat tumulad si Heart kay Ruffa Gutierrez na napaka-honest kahit sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang personal life. * * * Sa three-picture contract na pinirmahan ni KC Concepcion sa Star Cinema, kumpirmado nang kasama niya si Richard Gutierrez sa isa niyang nakalinyang pelikula. Ayon kay Shirley Kuan, isa sa dalawang managers ni KC, hindi umano exclusive ang kontrata ni KC sa Star Cinema pero sa Star Cinema muna siya unang gagawa ng pelikula. Sa tatlong kontratang pinirmahan ni KC sa Star Cinema, hindi kasama rito ang pelikulang pagsasamahan nila ng kanyang inang si Sharon Cuneta at amang si Gabby Concepcion. * * * Tulad ng pag-alis sa bansa ni Gabby, controversial din ang kanyang pagbabalik ng Pilipinas dahil sa ilang kaso na kailangan niyang harapin. Handa naman siya, kaya lang nga kung kelan nagsisimula pa lang magtrabaho si Gabo, heto't isa na namang kaso ang kanyang haharapin, ang kasong isinampa laban sa kanya at sa kanyang manager na si Mommy Rose Flaminiano ng isang kasamahan sa panulat na si Jobert Sucaldito na may kinalaman sa breach of contract. Pero sa aspetong professional, gustong ipaubaya na lamang ni Gabby ang kaso kay Mommy Rose. Seventeen years ago ay nag-guest si Gabby sa Maalaala Mo Kaya. Sa kanyang pagbabalik after 13 years na pamamalagi sa Amerika, ang Maalaala Mo Kaya ni Ms. Charo Santos ang kanyang unang binalikan bilang acting comeback. Pagkatapos nito'y magsisimula naman siya ng taping ng Iisa Pa Lamang na pagtatambalan nila ni Claudine Barretto kasama sina Diether Ocampo at Susan Roces. Naresolba na rin umano ang kanyang problema sa GMA Films. Ito umano ang kanyang uunahin at si Iza Calzado ang makakapareha niya dito. Gusto rin ni Gabby na makatrabaho ang Marimar at Dyesebel star na si Marian Rivera. * * * Masaya ang mga hosts ng comedy reality-show na Kung Ako Ikaw na sina Keempee de Leon at Joey Marquez dahil patuloy na humahataw sa rating ang kanilang late-night show. Nakakaaliw at inaabangan ng mga televiewers kung sino sa tatlong celebrity-manggagawa ang mahusay gumawa ng mahihirap na tasks na ibinibigay sa kanila ng bisor (supervisor). Mula Lunes hanggang Miyerkules ng gabi napapanood ang Kung Ako Ikaw at pagdating ng Miyerkules ay doon malalaman kung sino sa tatlo ang makakapag-uwi ng P100,000 cash bilang KAI galing-galing na manggagawa. Kung ang 50% judgment ay nagmumula sa bisor, ang natitirang 50% ay nagmumula naman sa mga manonood sa pamamagitan ng text votes. * * * Source: The Philippine Star |