Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Heart nakipag-break na sa dyowang non-showbiz

Author: Nel Alejandrino
Column: Cut!

NAGPALABAS ng statement ang GMA Network na nagpapahiwatig na hindi nila kinakatigan ang anumang tiwaling ginagawa ng kanilang stars.

Ito ay bunga ng kasong isinampa ng isang 15-anyos na dalagita laban kay Aljur Abrenica ng kasong acts of lasci-viousness.

Nangako naman ang network na magsasagawa ng sariling imbestigasyon ukol sa kasong ito ni Aljur.

Ito ay bukod pa sa on-going investigation ng National Bureau of Investigation kung saan isinampa ang kaso.

Sinabi rin sa statement ng GMA Network na hanggang hindi pa tapos ang imbestigasyon ay huwag muna sanang husgahan si Aljur.

* * *

WILLING pa ring magtrabaho ni JC de Vera sa GMA-7, ang TV network na nagpasikat at nagbigay sa kanya ng magandang career sa showbiz, sa pagtatapos ng extention contract niya sa 2010.

Ito ang sinabi ni JC sa press launch ng bago niyang soap sa Kapuso na Ngayon at Kailanman.

Ibig sabihin, willing pa rin si JC na magtrabaho sa GMA-7.

Kasi nga naman, never siyang siyang napabayaan ng Kapuso network.

Sunud-sunod na pro-ject ang ibinigay sa kanya.

Tanging ang two months break niya bago mag-taping ng Ngayon at Kailanman ang na-gging mahabang bakas-yon niya na sinamantala naman niya para magkapag-aral ng horse back riding na kailangan sa kanyang role sa NAK.

Bukod pa sa nakasama niya ang kanyang parents at mga kaibigan sa out-of-town trips.

Nagkaroon din siya ng panahon na magpapayat at magpaganda ng katawan dahil hinihingi sa role niya na nakahubad siya habang nangangabayo.

Nag-workshop din siya under Direk Michael Tuviera para ma-guide siya sa tamang emosyon at pag-arte.

Kapartner ni JC for the first time si Hear Evangelista, na kaeskuwela niya noong Grade 2 sa Colegio de San Agustin sa Makati City.

* * *

Speaking of Heart, lalong gumanda ito ma-karaang magbakasyon ng dalawang buwan.

Inamin ni Heart sa presscon ng Ngayon at Kailanman na mula ng pumirma siya ng two years contract sa GMA 7, sunud-sunod ang na-ging trabaho niya.

Unang soap niya ay ang Code Name Asero, na nasundan agad ng Luna Mystika.

"Masaya ako sa GMA dahil iba't ibang emosyon ang naipapakita ko sa tao sa dalawang magkasunod kong soap. Proud ako sa mga nilabasan ko dahil pa-wing top rating soap ang mga ito. May time na naging no. 1 ang Luna Mystika sa ratings game," sambit ng dalaga.

Dahil sa magandang ipinakita ng network na muling nagbigay-buhay sa career ni Heart, nasabi niya noon na never si-yang lilipat pa ng ibang network.

At ngayon nga, type na type niya ang ibinigay sa kanilang project ni JCa Ngayon at Kailanman.

Kahit may issue nga-yon sa pagitan ng manager ni Heart at isang excutive ng GMA, feeling ni Heart ay hindi siya apektado.

* * *

SAMANTALA, inamin din ni Heart na loveless siya ngayon at totoong break na sila ng kababata at non-showbiz boyfriend na si Francisco Delgado.

Balitang si Francisco ang paborito ng parent ni Heart na makatulu-yang ng kanilang anak.

Kilala kasi nila ang binata at family friends pa.

Pero, sa presscon ay ipinagdiinan ni Heart sa press na single na siya.

Masaya siya at career lang niya ang kanyang inaatupag at pinagkakaabalahan.

Nang tanungin kung mayroon na siyang na-gging Ngayon at Kai-lanaman, hindi ipinagkaila ni Heart na nagkaroon na siya ng dalawang serious relationship na obviously referring to Je-richo Rosales and Francisco.

* * *

MASAYA ang Bubble Gang ngayong Friday dahil punung-puno ito ng kasiyahan.

Unang-una nang aabangan ang gags ng delayed flight schedule.

Puro, nakakatawang sitwasyon sa airport ang mapapanood sa portion na tampok ang buong cast headed by Ogie Alcasid at Michael V.

Kasama rin ang mga guests na sina Dennis Trillo, Sunshine Dizon at Pauleen Luna.

Siyempre hindi rin mawawala ang Angelina at Yaya portion na inaabangan ng marami.

Aawitin naman ng Moymoy Palaboy ang hit song na Enter the Sandman.

Ilan lang ang mga 'yan sa dapat abangan sa show.

* * *

NAKATUTUWANG panoorin ang Hole in the Wall ngayong Huwebes dahil magpapagalingan ang mga artista ng GMA Network na makalusot sa wall.

Maglalaban ang Blue Puchinpao na binubuo nina Paolo Avelino, Arci Munoz at Chynna Ortaleza laban sa Red Cheer nina Ariel Villasanta, Norman "Boobay" Balbuena, at Anthony "Maverick" Relova.

Source: Taliba