|
|
| Heart nililigawan ng anak politiko![]() Author: Gerry Ocampo NABUKO na rin kung sino ang masugid na manliligaw ngayon ni Heart Evangelista. Ito ay walang iba kundi ang anak ni former Speaker Joe de Venecia na si Joey de Venecia III. May nakatuklas kasing ang bouquet ng rosas na natanggap ni Heart sa SOP kamakai-lan ay galing mismo kay Joey. Dati ay ayaw sabihin ni Heart kung sino ang guy na masugid ni-yang manliligaw matapos magkipaghiwalay kay Jericho Rosales. Ngayon ay biglang lumabas si Joey para aminin sa publiko na siya ang sinasabing non-showbiz guy na manliligaw ng actress. Ayon kay Joey de Venecia III, sa pagkakaalam niya ay siya lang ang man-liligaw ngayon ni Heart. May nagsasabi tuloy na kaya siya lumantad ay dahil sa balitang muling nagkakamabutihan sina Heart at Echo. "Ang alam ko," bu-ngad ni Joey, "ako lang ang ine-entertain ngayon ni Heart at alam niyang tapat ang hangarin ko sa kanya. " Naku Echo, tila malabo na ngang magkabalikan kayo ni Heart. Unless hanggang nga-yon ay sariwa pa rin ang pagmamahalan ninyo at manumbalik sa pagkikita ninyo nang madalas sa pagsisimba. * * * FINAL na ito, hindi na si Heart Evangelista ang ga-ganap na Jodi sa Stairway To Heaven ni Dingdong Dantes. Kamakalawa ay nag-reading na raw ng script si Rhian Ramos with Dingdong kasama ang staff, crew, EP at director na Pinoy version ng STH. Meaning, 95 percent na si Rhian na ang bagong leading lady ni Dingdong dito. Nakarating sa amin na magkakaroon daw ng ma-raming kissing scenes sina Rhian at Dingdong sa Pinoy version ng naturang Koreanovela series. Nakarating na rin daw kay Marian Rivera ang naturang kissing scenes nina Rhian at Dong, pero iginiit nitong wala siyang takot na magkaka-inlaban ang da-lawa. Hindi rin daw siya magseselos dahil parte raw 'yun ng istorya na dapat gawin nina Rhian at Dong. Kung kay Eugene Domingo nga raw na nakahalikan din si Dong ay hindi siya nagselos, kay Rhian pa raw na alam din niyang kailangan lang sa istorya. Pero tsika ng kaibigan naming reporter, natural lang na hindi pagselosan ni Marian si Eugene sa kissing scene nito kay Dong dahil malaki ang agwat ng edad nila kumpara kay Rhian na bata, maganda at sexy. Well, wait and see na lang tayo kapag gumiling na ang camera para sa Stairway To Heaven nina Dingdong at Rhian. Kapag nakitang nakabantay si Marian sa taping ng STH ibig lang sabihin na pinagseselosan na niya si Rhian at insecure siya sa beauty ng mestisang young actress. * * * DAPAT sigurong pangaralan ang mother dear ni Manny Pacquiao at iahon ito sa pagkakalunod dahil sa sunud-sunod na pagkuha sa kanya para mag-guest sa TV shows. Kung hindi ba siya na-ging nanay ng Pambansang Kamao ay may magkakainteres kaya sa kanya para i-guest sa isang show? Ngayon daw ay astang superstar na ang Pacmom ni Manny. Hindi na raw ito puwedeng basta papuntahin sa network or TV show para mag-guest. Kung gusto raw siyang kunin ay sadyain siya sa kanilang bahay sa General Santos City para doon magpa-interview. O 'di ba? Astang ka-sing-sikat na siya nina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, at iba pang famous showbiz celebrity? Anyway, dapat ipagdasal ni Pacmom na ma-nalo si Manny sa laban kay Miguel Cotto dahil oras na matalo ang Pambansang Kamao, asahan na wala na ring magkakainteres na kunin siya sa TV show o kahit i-guest man lang. * * * NGAYONG Sabado sa Cool Center, magkikita na ang look-a-like nina Richard Gomez at Iwa Moto sa Wanted Honey portion ng first live radio TV talk show hosted by Anjo Yllana at Eugene Domingo. Ipagkakaloob naman ni Regine Velasquez ang kanyang gown sa Tawag ng Pa-ngangailangan sa unang caller na ibibigay na number ng host na sina Anjo at Eugene. Nasa radio talk show din si EB Babe Angel at sa Hubad na Katotohanan with Ariana Barouk (da-ting kasama ni Daiana Meneses sa Eat Bulaga at natsikang naka-sex video rin daw ni Hayden Kho). * * * NAGLILIHI na si Regine Velasquez? 'Yan ang naging usap-usapan sa shooting ni Ms. Regs with Aga Muhlach, kasi panay daw ang kain ng manggang hilaw with bagoong ang one and only love ni Ogie Alcasid. Natawa kaagad ang Songbird nang makarating sa kanya ang balitang naglilihi na siya. Anyway, excited ang Songbird sa balik-tambalan nila ni Aga na ang last movie nila was 10 years ago at nag-hit sa takilya. Sa bagong movie nilang Of All the Things, na ididirek ni Joyce Bernal ay marami ring kissing scenes ang dalawa kaya inaaba-ngan na nang marami kung ano ang magiging reaction ni Ogie. * * * UNFAIR sa younger sister ni Vina Morales na si Shaina Magdayao ang tsikang palagi niyang binabantayan sa taping ang boyfriend na si John Prats. Sino naman sa mga kasama ni John ang dapat pagselosan ni Shaina? Pero gaano katotoo na madalas gumimik ngayon si John kasama ang barkada sa Eastwood? Tsika ng isang movie reporter, umiwas daw sa kanila si John nang makita nila isang madaling araw sa naturang lugar. Bakit, may ginagawa bang 'di kanais-nais si John para umiwas sa mga reporter na nagkataong nandoon sa naturang lugar? Source: Taliba |