Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Heart tinarayan ni Cristine sa text

Heart tinarayan ni Cristine sa text

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

KUNG hindi pa siguro naging nominado sa Seoul International Drama Award ang teleseryeng Eva Fonda ni Cristine Reyes ay baka tuluyan nang binitiwan ng Dos ang No. 1 Sexiest Women ng FHM.

Sa September pa naman malalaman kung papalaring magwagi si Cristine ng Best Actress at Special Prize Award para sa kanyang Eva Fonda na gaganapin sa Seoul, South Korea.

Dahil dito ay dalawang prime shows ang ipinagkatiwala ulit sa utol ni Ara Mina ng Dos at si Cristine ang nasa title role.

Meaning naudlot nang tuluyan ang paglipat ni Cristine sa GMA-7.

Ano kaya ang magiging reaction nina RR Enriquez, Pokwang at Angelica Panganiban na may tiwala pa rin ang Dos kay Cristine?

Tungkol sa pagkikita nina Cristine at John Lloyd Cruz sa isang bar sa Katipunan last Tuesday, aminado naman ang utol ni Ara nagtagpo sila ni Lloydie, nag-yakapan at nagbeso-beso, pero 'di nag-lips-to-lips tulad ng nabalita.

Iginiit ni Cristine na coincidence lang ang pagkikita nila ng aktor sa naturang bar.

They were with two different set of friends daw nang magkita sila that day.

Hindi lang sinagot ni Cristine ang isyung inaway niya si Heart Evangelista thru text dahil pinagselosan niya ang huli na crush ng boyfriend niya that time na si Dennis Trillo.

Mismong manager kasi ni Dennis ang nagtsika na inaway nga ni Cristine si Dennis dahil sa selos.

Pero binalikan siya ng manager ni Heart na bakit inaaway at pinagseselosan nito ang ex-girlfriend ni Jericho Rosales.

* * *

HANGGANG ngayon ay pinagtatalunan pa kung sino ang lalabas na Jodi sa Stairway To Heaven na love interest ni Cholo na gagampanan ni Dingdong Dantes.

Marami ang nagsasabing bagay kay Heart ang role ni Jodi.

Tugmang-tugma raw kay Heart maging Jodi sa Pinoy version ng Stairway To Heaven na malapit nang mapanood sa GMA Network.

Nang iparating ito kay Heart ay 'di naitago ng actress ang kasiyahan at pag-kagusto sa role.

Pero ang problema, pa-yagan naman kaya siya ng manager na si Annabelle Rama?

Challenging ang role na Jodi sa Stairway To Heaven.

At kung si Heart na nga ang maging choice ng Siyete sana ay payagan ni Annabelle dahil malaking tulong din sa showbiz career ni Heart ang naturang role.

* * *

NALOKO rin pala si Miriam Quiambao ng isang inakalang kaibigan nang pumasok siya sa real estate business.

Hindi biro ang nalokong pera kay Miriam dahil lifetime savings daw niya iyon at nauwi nga lang sa wala.

Kapag naaalaala niya ang ginawang panloloko ng inakalang kai-bigan ay nanu-numbalik ang sakit at depression na naramdaman niya.

Two years ago pa raw 'uon nangyari at nagsampa na siya ng kaso sa NBI.

Pero ang masakit, wala pa ring linaw ang lahat at ang nanloko sa kanya ay nakapagtago na.

Ngayon ay unti-unti na raw siyang nakakabawi.

In fact, licensed broker na raw siya at may sariling real estate business.

Bukod pa rito, nabibig-yan na rin siya ng chance sa acting.

Pagkatapos ng hosting, pag-arte naman daw ang gusto niyang pasukin.

Kasama siya sa Kimi-dora: Kambal sa Kyeme bilang assistant ni Eugene Domingo.

Ito ay produced ni Piolo Pascual.

* * *

NAGKOMENTO na rin si ni Ogie Alcasid tungkol sa pagiging nationalistic singer daw ni Freddie Aguilar.

Tinawag kasi ni Freddie na "unggoy" ang ilang Pinoy singers natin na nanggagaya lang sa style ng foreign artists.

Nadawit dito ang pangalan nina Gary Valenciano, Charice Pempengco at Arnel Pineda.

Ipinagtanggol ni Ogie ang mga artist na nabanggit.

Hindi naman daw dapat kuwestiyunin ni Freddie pati ang pagiging nationalistic ng mga ito at pagka-Pinoy.

Baka raw na-misquote lang si Ka Freddie.

Si Charice raw ay napansin ni Oprah Winfrey at Ellen Degeneses dahil sa YouTube.

Alhough American pop songs ang kinakanta ni Charisse, stepping stone lang daw ito para para magkapangalan sa America at wala naman daw masama roon.

Si Arnel naman, im-posibleng Tagalog composition ang banatan dahil part ito ng isang foreign band na Journey.

Eventually, magre-record din ito ng composition na sariling atin at unti-unti itong makikilala sa local pop music venue.

Si Gary V naman ay napatunayan na ang pagiging icon sa pagkanta ng OPM at may string of original local hits to his credit.

Si Ogie Alcasid ay mahirap maisama ni Ka Freddie sa listahan ng mga "unggoy" kasi eversince nakilala ito sa local compositions.

Umunlad ang local pop music ngayon dahil na rin sa mga kantang nilikha ni Ogie na karamihan ay ginamit na theme song sa pelikula at telebisyon.

Ang latest composition nga niyang Walang Iba na theme song ng Oh My Girl, na kinanta ni Regine Velasquez ay potential mag-hit.

Source: Taliba