Heart to play Panday's leading lady?Author: Rowena Agilada BUKOD kina Kristine Hermosa at Angelika de la Cruz, nababanggit ang pangalan ni Heart Evangelista na, diumano'y, kinu-kunsider na maging leading lady ni Jericho Rosales sa Panday? Kapwa nagpahayag sina Kristine at Angelika na okey sa kanila to work again with their ex-boyfriend. The last time na nakausap si Kristine, she said na nami-miss na niya ang pag-gawa ng teleserye. Wish nga niyang bigyan siya ng ABS-CBN ng bagong show. Under negotiation naman ang isang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema. With Angelika, mukhang malabong siya ang makuhang leading lady ni Jericho dahil kasama siya sa "Ikaw ang Lahat sa Akin," topbilled by Diether Ocampo and Claudine Barretto with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. Mukhang support lang si Angelika dahil obvious namang ang apat ang lead stars sa naturang teleserye. Sila ang ipinapakita sa teaser. As of presstime, nothing is sure kung si Heart na nga ang gaganap bilang leading lady ni Jericho sa Panday. She'd love to work with him, she said. Matatapos na ang "Hiram" at welcome idea kay Heart if ever siya ang magiging final choice to be Jericho's leading lady. Source: Tempo |