Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Helen Gamboa makes her mark in Tayong Dalawa

Helen Gamboa makes her mark in Tayong Dalawa

Author: Julie Bonifacio

Lutang pa rin sa kasiyahan ang magandang aktres na si Helen Gamboa sa magagandng review at feedback na nakukuha niya mula sa mga kritiko hanggang sa mga ordinaryong manonood na nakikita siya dahil sa ganda ng teleserye nila sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Tayong Dalawa. "Epidemic talaga," bungad ni Helen sa interbyu namin sa kanya sa Florabel. "They don't tell us naman the real story. They gave us the script weekly lang. So, every week ' yun lang ang tini-tape namin for this week, ganu'n. Every time nire-revise ang script. If there's anything I don't feel like saying it, I don't say it. Pinapalitan nila." Ano halimbawa 'yung line na hindi niya masabi on-cam? "' Yung masyadong nanlalait." Paano ba magalit ang isang Helen Gamboa? "H indi naman ako mahilig sumigaw, e. Umiiyak. Minsan meron (may dialogue). Pero mas hindi ako nagsasalita." Paano kapag galit o may tampo siya sa mister niya na si Tito Sotto? " Nasa kabilang kwarto ako., Hahaha!" Kaya ba may balitang hiwalay na sila ni Tito? " Hahaha! Hindi, hindi ako mahilig mag-nag. Pero for those who make-up stories, not at our expense. Huwag mag-isip ng ganyan. Huwag naman nilang kaladkarin ang marriage namin na pinakamatibay sa showbiz makasulat lang ng istorya," diin ni Ms. Helen.

Nasulit daw ang paglabas niya utli sa teleserye after she did Sa Dulo Ng Walang Hanggan. " 'Yan ang dialogue ni Charo (Santos-Concio) sa akin, 'O, mare, sulit na sulit ha.' Gumawa ako noon 'yung Sa Dulo Ng Walang Hanggan, pero mas markado ang role ko sa Tayong Dalawa. Ginawa ko ' yung Sa Dulo noong 1994. Nakasama si Gloria Romero. We're very close ni Tita Glo." Kumusta naman ang working relationship niya with the young actors like Gerald Anderson and Jake Cuenca? " Okay naman. They do their job. Just like what happened to me they are inspired. I got inspired by my role kaya, I really give my all, ganu'n. Ganu'n naman ang artist kapag na-inspire ka. First time ko to work with them and I must say na Jake really works hard."

Mahaba-haba na rin naman ang itinakbo ng showbiz career ni Helen. Marami na siyang nagawang pelikula, naging superstar sa telebisyon at recording. At nag-radyo rin siya nu'ng araw. Kaya deserving niya na tawaging "The Original Multi-Media Star." Nanalo na rin siya ng awards sa paggawa niya ng pelikula. "I won three awards. Sa CMMA Oras-Oras, Araw-Araw, sa Urian, Bagong Bayani at saka sa Baguio ( awards). Ransom ang title nu'ng movie na napanalunan ko sa Baguio Film Festival. 'Yun 'yung kaming dalawa ni Erap. Production din ni Erap 'yun. Mag-asawa kami." Uso ngayon ang independent movie. Gusto ba niyang subukan na lumabas sa isang indie movie? "Yeah, I would be very interested. I would like to try it. Sabi ko, there was this MMK presentation which I was supposed to do with Jeffrey eturian (kilala rin sa pagdi-direk ng indie films) . Nagkasakit ako. Na-ospital ako. 'Yung sa 'Bus' ata. Alam mo, e, wala, maysakit ako. Binigay kay Gina (Pareno). Maganda 'yun. Namatay ako sa bus. Na-Medical City ako that time. So, they have to get somebody. Sa akin (sana) 'yun.'

Kilala rin si Helen bilang isa sa mga original fashionista sa showbiz. Inaabangan noon ang outfits niya sa kanyang TV show. May mga outfits daw na provided ang production para sa kanya sa set ng Tayong Dalawa but most of the time, mga damit niya ang sinusuot niya sa show. Binili raw niya 'yung mga damit na 'yun two years ago pa na pawang mga signature clothes at sa loob lang ng closet niya. Nanghinayangn nga si Helen dahil naipamigay na niya lahat ng boots niya na ginamit nu'ng araw na uso pa rin hanggang ngayon. " Oo nga, e. Hindi ko naman alam na mababalik siya." Kung may Hermes bag ang pamangkin niya na si Megastar Sharon Cuneta na worth P3M hindi malayong meron din si Helen. " Ay! Huwag na. E, noon ko pa naman nabili ang mga 'yun." Ten years ago? " Hindi naman. Pero sa abroad ko siya binibili. It's cheaper to buy it there. Binili ko 'yun sa Paris. Pero kailangan may koneksyon ka doon. Kasi it comes with a certificate kaya makikita mo kung totoong Hermes." Mas malalaki ba ang Hermes bags niya kesa kay Sharon? " Hahaha! 'Yung kaibigan ni Alfie (Lorenzo) nakita niya na kahawig ng bag ko na Hermes na kulay tan 'yung kay Victoria Becham nu'ng makita nila sa airport."

Kilala rin sa showbiz sina Helen, Mega at pati ina nito na si Mommy Elaine na mahilig sa malalaking diamonds. " Hindi, kasi ang Mommy ko ang, when I was still in the movies, 'yung when I was still young, my Mom talaga was into jewelries already. She was the one who introduce it to us. Kasi she has a friend na nasha-shocked ako, portfiolio! Ng lahat ng klase mg stone. Mga bata pa kami noon. He's a Jew, 'yung kaibigan niya 'yun ang supplier. Nasha-shocked ako kapag nakikita ko 'yung mga jewelries. Dinadala sa kaibigan ng Mommy ko 'yung mga jewelries. That's how I was introduced, ganu'n. Kaya, very fascinating," tapos ni Helen.

Source: ABS-CBN Interactive