Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Helen Gamboa returns to acting after six years

"I would say na we learn from them, the same manner that they learn from us also. As a senior star, we have to set the good example, di ba? Para makita nila how it is para magtagal pa sa industriya. Ipinakikita namin sa kanila yung magandang values, profe

Author: Rose Garcia


Anim na taon na ang nakalipas nang huling mapanood si Ms. Helen Gamboa sa isang opera. Ito ay sa primetime series noon ng ABS-CBN na Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Pagkatapos nito, bumalik muli ang maybahay ng dating Senator Tito Sotto sa pagiging ina at asawa ng kanyang pamilya.

Ngayon ay kasama si Ms. Helen sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Tayong Dalawa na tinatampukan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Jake Cuenca. Gumaganap siya bilang ina ni Agot Isidro at lola ni Jake

Aminado si Ms. Helen na basta challenging ang role, willing siyang tanggapin anumang offer. More than the money, it's her passion for acting that she pursues.

"Well, talagang napakalaking parte ng buhay ko ang pag-arte," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaya lang, kailangang magpahinga muna ako. I had to settle my daughter Ciara [Sotto], at the States. So, ngayong in-offer sa akin ng ABS ito [Tayong Dalawa], I just couldn't say no because for me, it's always healthy and good to be playing different roles. Tinanggap ko ito kasi, naiiba siyang role."

Hindi ba naging problema sa kanyang asawa ang pagbabalik-showbiz niya?

"Wala, in fact, he's so happy for me. Alam naman niya yun na buhay ko ang pag-arte," saad ni Ms. Helen.

May humula raw na 2009 will be a good year for the veteran actors and actresses. Senyales na ba ito para sa tuluyang pagbabalik na nga niya sa showbiz?

"Oh yes, I would say yes!" bulalas ni Ms. Helen. "Kasi, I'm so thankful sa ABS-CBN, of course, for giving me this particular role. I think, meron pa silang mga ibang gagawin sa future."

After six years, sa Kapamilya pa rin siya bumalik. Wala bang naging offer sa kanya ang Kapuso network?

"Wala naman, wala namang offer," sabi niya. "In the past siguro, pero hindi kami nag-meet sa certain stories. Nagkaroon ng miscommunication. That's what happened."

So, masasabi niyang isa siyang Kapamilya talaga?

"Oh yes! Of course because I've been doing shows with ABS. Although, I will not say anything. Channel 7 is also a good network and that's where my husband works, you know that. I think, it's all a healthy competition.

WORKING WITH YOUNG STARS. Para kay Ms. Helen, magandang experience din para sa kanya ang chance na makatrabaho ang mga young actors and actresses ngayon. At the same time, may natutunan din daw siya sa mga ito tulad ng tatlong lead stars ng Tayong Dalawa.

"Ay, oo! I would say na we learn from them, the same manner that they learn from us also. As a senior star, we have to set the good example, di ba? Para makita nila how it is para magtagal pa sa industriya. Ipinakikita namin sa kanila yung magandang values, professionalism. So, I think they really enjoyed working with us because we enjoy working with them."

Sa hiwalay na interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jake Cuenca, na siyang gumaganap na apo niya sa series, sinabi nito na kinabahan siya sa umpisa dahil ang kaeksena niya ay si Ms. Helen. Pero later on, nae-excite na raw mag-taping ang young actor dahil ang turing na nito kay Ms. Helen ay mommy.

Ano ang reaksiyon dito ni Ms. Helen?

"You know, ang masasabi ko, si Jake, when I met him, nakita ko yung masyado siyang responsible. I would say na among the young stars, siya ang pinaka-close sa akin. He is so malambing. I really like him a lot. I like Jake."

SUPPORT FOR SHARON. Bilang kinikilalang second mom ng pamangkin niyang si Sharon Cuneta, all-out naman ang suporta ni Ms. Helen sa Megastar noong panahong naiintriga ang marital life nito.

Aniya, "Nandito ako. I was there for her. Ano lang naman yun, it was just a petty problem that happens to all couples."

Kumusta naman sina Sharon at Senator Kiko Pangilinan?

"Oh, they are very well!" sagot ni Ms. Helen. "They spent Christmas Eve with us. Wala namang problema. I think napalaki lang. I don't want to sound mean or speak ill to others, especially sa media. Pero sometimes, it gets out of proportion kasi yung mga balita, kung minsan, kapag nagsalin-salin na, iba na yun."

Ano ang paniniwala niya sa isyung may anak daw si Senator Kiko sa iba?

"E, wala naman kaming proof. Wala naman kaming nakikita, e. It's hard to say this and that kapag wala ka namang pruweba. And it happens to everybody. Lalo na kung asawa niya ay Megastar. Ang asawa niya ay si Sharon, hindi mo naman siguro maiiwasan yung matsismis ka ng kung ano-ano," pahayag ng veteran actress.

FAMILY MATTERS. Thirty-eight years na ang pagsasama nina Ms. Helen at Tito Sotto. Anong advice ang naibibigay niya kay Sharon para kung sakali, tumagal din ang pagsasama ng dalawa tulad ng sa kanila?

"Lahat kasi ng problema darating sa buhay mag-asawa. I always tell her to handle it right. As long as you put God as the center of your life, you'll never go wrong."

Wala pa raw ideya si Ms. Helen kung tatakbo bang muli si Tito sa 2010 elections.

"As of now, bising-busy siya sa kanyang posisyon bilang Secretary of Dangerous Drugs Board. So, ang kanyang thrust talaga is... I know, he cannot completely eradicate the drug menace, but he will be able to control it, like what he has done before. Ito kasi ang pinakamalaking crusade niya sa buhay niya--prevention."

Ano ba ang pinakamahirap na sagutin: intriga sa showbiz or sa politics?

"Both!" natawa niyang sagot. "But I'll be honest, politics. Kasi ang showbiz, buhay ko 'to, e. Ang politics is not my course. Ang sinasagot ko, with all honesty. Even in showbiz, kung ano ang itinatanong n'yo sa akin, like what you see is what you get, I'll never lie. I will say what I feel. I will tell you the truth."

On her daughter Ciara, may plano na ba itong maging active muli sa showbiz dito sa Pilipinas?

"Sabi nga niya, kung mas maganda ang haharapin niya rito. One year lang naman ang pinirmahan niyang kontrata doon at babalik siya agad dito."

Pero ayon kay Ms. Helen, nandito sa bansa ngayon si Ciara for the holidays pero babalik din daw siya ng Las Vegas. Natawa lang Ms. Helen when asked kung may plano na rin mag-settle down si Ciara sa kanyang non-showbiz boyfriend.

"Ay, hindi yata totoo 'yun!" tawa niya. "If ever, I will have no objections. Okey lang. Pero siya, parang marami pa siyang gustong gawin. So, makakapaghintay pa naman siguro ang kasal niya.

"Wala naman siyang name-mention na kasal kaya wala kaming napag-uusapang ganoon. Ang mine-mention niya, yung career niya. On how she will become more professional sa kanyang craft."

Wala rin daw siyang nakikitang problema, if ever man, sa boyfriend ngayon ng anak.

"Oh well, he's a very responsible guy, very intelligent and a very good person. Pero sabi ko nga, until nakikita kong ikinakasal ka na, anak, na yun na talaga, doon lang ako maniniwala na that is the right guy for her," pagtatapos ni Ms. Helen.

Source: Philippine Entertainment Portal