Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Helen, ibang klaseng magtaray

Author: Vir Gonzales

Wala nang kwestyon kung bakit sa billing ni Helen Gamboa sa Tayong Dalawa ay merong "Ms. " at "and" ang kanyang pangalan.

'Yon ay dahil mataas ang respeto ng mga taga-industriya, particularly ang ABS-CBN kay Helen. Every time na napapanood namin siya sa serye, lalo siyang gumagaling.

Natatandan pa namin na si Helen ay bida noon sa pelikula ng Lea Productions na Boogalo. Isang very refine at hindi makabasag-pinggang aktres si Helen, pero kapag eksena na nila nina Cherry Pie Picache at Gina Pareño, nakikipagsabayan talaga si Helen. Ibang klase siyang magtaray.

Mata pa lang ni Helen, umaarte na. Hindi na niya kailangan pang mag-dialogue.

"Hindi ko nga inaasahan ganito pala kaganda ang papel ko," kwento ni Helen.

May bagong bansag na rin ngayon kay Helen. Siya na raw ang bagong reyna ng mga kontrabida sa TV.

* * *

Sa Vigan, Ilocos Sur pa kinunan ang ilan sa mga eksena ng Sexbomb para sa Kambalilong episode ng Daisy Siete. Malaking bagay daw ang ganda ng istorya at ang paiba-ibang locations ng taping para mag-enjoy ang cast ng Kambalilong habang nagtatrabaho.

Inamin ng producer ng Focus E. Inc. na si Joy Cancio, magastos mag-taping sa ibat ibang lugar. Pero sulit naman daw ito dahil walang tigil ang suporta sa Sexbomb ng fans.

Nagpapasalamat nga pala ang grupo ng Sexbomb kay Mayor Eva M. Medina, Muffy Reyes ng Vigan at sa iba pang mga tumulong sa kanila habang nagte-taping.

* * *

Natatawa na lang sina Daria Ramirez at writer na si Raquel Villavicencio noong mapagkamalan silang mga lesbiana sa taping ng Pangarap Kong Jackpot. Paano ba naman, super protective si Raquel kay Daria. Sinusubuan pa niya ng pagkain si Daria, inaayusan at pinaliliguan. Pero sa istorya lang 'yon ng Pangarap. .. , hindi sa totoong buhay.

"Dati kasing mayaman si Dadang, inampon niya kaming mga streetchildren. Noong maghirap si Dadang, kami naman ang nag-asikaso sa kanya. "

* * *

SA birthday ni Amay Bisaya na ginanap sa Ka Freddies in Malate, dumating si Senator Bong Revilla. Laking tuwa ni Amay dahil hindi daw siya inisnab ng senador. Galing pa si Bong sa taping that night.

Sabi ni Amay, may balak siyang tumakbo sa Bohol. Pero hindi raw siya papayag na maging vice siya ni Cesar Montano sa posisyong tatakbuhin nila.

Source: People's Tonight