|
|
| Helen, pagod na sa martir rolesAuthor: Vir Gonzales Malaking pasalamat ng teleserye mega-mom na si Helen Gamboa kay Ms. Charo Santos dahil pinilit siya nitong lumabas sa Tayong Dalawa. Gusto ni Charo na makabangon si Helen sa paulit-ulit na martir role kaya siya isinama sa Tayong Dalawa bilang ina ni Agot Isidro. Hindi inaasahan ni Helen na tatanggapin siya ng televiewers sa ganu'ng klaseng role. Alam n'yo bang nakaka-18 palit ng damit si Helen sa taping ng teleserye every week? Sariling gastos 'yon ni Helen. Sabagay, two years niyang inipon ang mga damit na pinamili niya noon sa New York. At least, napakinabangan niya ito ngayon. Pagkatapos ng Tayong Dalawa, magko-concert ang teleserye mega mom sa U. S. Dating queen of songs si Helen Gamboa, kung hindi n'yo pa alam. Nasa kasikatan siya noong mag-quit siya at magpakasal kay Senator Tito Sotto. Sa pagkawala ni Helen, saka sumulpot ang rivalry nina Vilma Santos at Nora Aunor. * * * BINABATIKOS ang TV ads ni Edu Manzano tungkol sa maling spelling. Ayaw dito ng parents and teachers dahil baka gayahin daw ng mga bata ang napapanood nila sa TV. Wala na raw bang maisip na ideya ang gumawa nito? Sabit si Edu sa pagtutol ng mga magulang dahil nagho-host pa naman siya ng game show na may spelling portion. * * * SIMPLE lang ang naging birthday celebration ng aktres na si Barbara Milano noong nakaraang Linggo. Nasa piling siya ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Tatakbo uli si Barang sa 2010 at ngayon ay alam na n'ya na hindi lahat ng mga nakangiti sa kanya ay iboboto rin siya. Marami sa kanila ay nakamaskara lang. Marami daw siyang leksiyong natutunan sa kanyang pagkatalo sa eleksyon. * * * Tinupad ng producer ng Focus E. na si Joy Cancio ang pangakong pasisikatin si Louise Bolton na kaklase ni Mark Herras sa Sta. Rosa, Laguna. Binigyan niya ito ng markadong role at epektibo naman ang ginagawa niyang panlalait kay Jopay sa kambalelong episode ng Daisy Siete. * * * Sa May 30 ay magre-Reyna Elena ang si Bb. Pilipinas-International Bianca Manalo sa San Pablo City kasama ng iba pang beauty queen ng lungsod. No, hindi po totoong lalahukan din ito ng mga bading na magsasagala doon. Purong babae po ang mag-sasagala sa lugar, walang peke. Panata kasi ito at hindi katatawanan. * * * Hindi iiwanan ni MMDA Chairman Bayani Fernando ang MMFF kahit pa nagkaroon ng aberya noon. Nag-aanyaya pa nga siyang sumali ang iba para maging maganda ang labanan sa darating na film festival. Sana raw ay may magandang mensahe ang mga pelikulang lalahok this year. * * * Congrats sa eldest son ni ex-beauty queen-actress Azenith Briones na si Joedan Reyes na nakapasa sa board exam ng Civil Engineering. Sa La Salle siya nagtapos. Nagbigay ng blowout ang kanyang parents, na si Eng. Elrey Reyes at Azenith, sa San Pablo City. Source: People's Tonight |