Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Herbert Bautista, pinagdududahan na ang pagkalalaki?

Herbert Bautista, pinagdududahan na ang pagkalalaki?

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

NAG-ARAL pala ng Law si Vice Mayor Herbert Bautista sa New Era University upang palawakin ang kaalaman niya sa batas, subalit hindi rin niya ito ipinagpatuloy.

"Grabe rin kasi ang pressure, eh. Magbabasa ka ng makakapal na libro at ilang chapters ang assignments, tapos, pagpasok mo sa klase, nandoon pa �yung pressure na baka tawagin ka sa recitation!" say ng Quezon City Vice Mayor.

Siyempre, naka-identify kami kay Bistek dahil nga natapos na namin ang kursong �yon at pagri-review na lang sa Bar exams ang aming ginagawa.

Medyo tumaba nga si Herbert ngayon. Pero sabi niya, behave na raw siya pagdating sa mga chicks.

"Kung minsan nga, may nagdududa na sa akin, eh, dahil wala akong kasama kung minsan sa mga official functions ko, eh. Natatawa na lang ako siyempre dahil alam ko naman ang totoo sa akin, eh," katwiran niya.

Bakit kasi wala pa nga siyang ipinakikilalang babae sa publiko?

"Okey naman ako sa ganitong sitwasyon. Darating din tayo roon. Basta ngayon, kung ano �yung sinasabi mo sa akin noon, �yun ngayon ang ginagawa ko�t pinaninindigan!" pahayag pa ng aming kaibigan.

Eh, ano ba ang plano niya sa susunod na election?

"Wala pa naman. Basta patuloy pa rin tayong maglilingkod sa tao," ani pa ni Bistek.

***

The festival of all festivals! �Yan ang ipinagmamalaki ng namamahala sa darating na 7th Cinemanila International Film Festival na magaganap mula October 12-25 sa SM and Robinson�s cinemas sa Manila at sa selected na sinehan sa Metro Manila.

Mabibigat at exciting daw kasi ang line-up ng foreign films na ipalalabas sa naturang festival. Sa ipinadala sa aming line-up ng movies, halos karamihan doon ay galing sa Korea at �yung iba ay sa Amerika, Hong Kong, Denmark, Japan at Switzerland.

Ilan sa movies na naka-line up ay ang Clean mula sa France kung saan naging best actress sa nasabing movie sa Cannes filmfest si Maggie Cheung.

Nariyan din ang The King na pinagbibidahan ni Gael Garcia Bernal na unang nakilala sa Spanish movie na Y Tu Mama Tambien.

Mapapanood din ang movie ng Winter Sonata heartthrob na si Bae Yong Joon at ito �yung Untold Scandal.

***

Pinanindigan na ni Fanny Serrano ang pagiging businessman nito bukod pa nga sa pagiging mahusay na make-up artist at stylist. Inilabas na ni Tita Fanny ang kanyang beauty products na ang brand name ay Fanny Serrano. Direct selling company ito ng kanyang mga produkto at isa nga si Teri Onor sa gusto niyang isosyo, huh!

Panay nga ang biyahe sa probinsya ni TF tuwing weekends upang palawakin pa ang mass base ng kanyang brand. Kaya naman hindi lang simpleng make-up artist and stylist to the stars si Tita Fanny kundi isa na ring negosyante through and through, huh!

Source: Abante