|
|
| Hero Angeles, Sandara Park hindi nagkikibuanColumn: Footlose BIRTHDAY kahapon (April 24) ni Regine Velasquez. She's now 35 years old at mukhang hindi maganda ang naging pagsalubong niya sa kanyang kaarawan dahil sa tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng BIR noong isang linggo. Kumbaga, nakaka-bad trip na kung kelan birthday niya ay saka naman naglabasan ang tungkol sa kanyang kaso sa BIR. Wala rin siya rito sa bansa para ipaliwanag ang kanyang panig. Nasa Amerika nga-yon si Regine para sa i-lang series of shows at commitments niya roon. Sa May 5 pa siya nakatakdang bumalik ng bansa. Ayon sa isang malapit kay Regine, aasikasuhin agad ng singer ang problema niya sa BIR pagbalik na pagbalik nito ng bansa. Marami namang artista ang hindi naniniwala na magagawa ni Regine ang akusasyon sa kanya ng BIR. Maaaring miscommunication lang daw ang lahat kaya nagkaroon ng konting problema. Isa si Piolo sa nagwi-wish na malampasan ni Regine ang kanyang kasalukuyang problema. Makakasama ni Piolo si Regine sa isang pelikula sa Star Cinema na nakatakdang simulan nga-yong Mayo. * * * BUMALIK na ng bansa si Sandara Park at humarap na rin agad siya sa press para sa presscon ng movie nila ni Hero Angeles na Can This Be Love. Pero wala si Hero sa presscon. Kasalukuyan siyang naka-confine noon sa isang hospital dahil inatake ito ng asthma. Hindi naman magawang dalawin ni Sandara si Hero dahil sobrang busy ang schedule nito para sa promo ng kanilang movie. Nakalulungkot lang isipin na parang hindi na-miss ni Sandara si Hero. Na-shock din kami sa ba-litang hindi pala in good terms ang dalawa. Nagsimula raw ang lahat nang mag-decide si Sandara na bumalik muna sa Korea para mag-aral. Pero dahil may commitment pa si Sandara sa kanyang ka-loveteam pati na rin sa Star Cinema, eh, bumalik muna siya ng bansa. Pero 10 days lang na mananatili ang dalaga sa Pinas at babalik na rin agad siya sa Korea. Hindi pa sure kung talagang babalik sa October si Sandara. Anyway, hindi magandang tingnan na hindi nagkikibuan ang dalawa. Baka kasi makaapekto ito sa promo ng kanilang launching movie. Sana man lang, just for the sake of the movie, eh, maayos nila ang kaning mga individual differences. May time pa naman kasi sa April 27 pa ipala-labas ang kanilang mo-vie. Meron pa silang 3 days para ayusin ang kanilang problema. * * * NAGAWANG pagsama-samahin ng Maxi-Peel para sa kanilang Ur A Star promo ang mga bituin ng ABS-CBN at GMA-7. Magkasama sina Arron Villaflor, Erich, Ryza Cenon, Mike Tan, Jennylyn Mercado at Kristine Hermosa sa isang commercial. Hindi na ini-reveal ng taga-Splash Corporation kung sino kina Ryza at Erich ang mas mataas ang talent fee. Title hol-der kasi ang dalawa. Si Ryza ang ultimate female survivor ng StarStruck at si Erich naman ang nanalo sa Star Circle Quest. Between Myke and Arron, sigurado kaming mas mahal si Mike dahil siya ang male counterpart ni Ryza sa StarStruck. With Regards naman to Jennylyn and Kristine, it's very obvious na si Kristine ang may mas mahal na talent fee. Source: Taliba |