Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'He's a joke'

Author: Nitz Miralles

"He's a joke," tukoy ng sikat na actress sa controversial personality na nali-link sa kanya at "it's just a joke" naman daw ang pagpapadala ng lalaki ng bulaklak at pagkain sa taping ng kanyang soap.

Hindi maintindihan ng actress kung bakit pinadalhan siya ng bulaklak ng lalaki dahil hindi niya ito kilala't ang kapatid nito ang kaibigan niya.

Ayaw isipin ng actress na ginagamit siya ng controversial personality dahil pinag-uusapan at nasusulat ito kahit hindi ma-link sa kanya.

Gusto niyang iparating sa lalaki na wala itong maaasahan sa kanya dahil may dine-date siyang non-showbiz guy.

* * *

Pasalamat si Jennylyn Mercado na may nagpaalala sa kanyang posible silang magkita ni Patrick Garcia sa SOP sa Sunday para maiwasan ang ama ng kanyang anak.

Farewell promo ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin na kasama si Patrick at grand promo ng Ikaw Sana nina Jennylyn at Mark Herras, kaya hindi siya puwedeng mag-absent.

Sa mga nagtatanong kung bakit matindi ang galit niya kay Patrick, ang sagot ni Jennylyn, "wala kayo sa sitwasyon ko, siguro kung kayo ang nasa sitwasyon ko, hindi ninyo kakayanin ang pinagdaanan ko.

"In God's time, maaayos din kami. Wala na naman sa akin kung magkita sila ni AJ (anak nila), 'wag na lang natin siyang pag-usapan," pakiusap ni Jennylyn.

On the other hand, na-appreciate ni Jennylyn na mahal at dinadalaw ni Mark ang anak niya kahit wala siya sa bahay.

Thankful din si Jennylyn sa fans nila na hindi nagsasawang sila'y suportahan. Sa Lunes na magsisimula ang Ikaw Sana bago ang 24 Oras sa direction ni Joel Lamangan.

* * *

Big honor kay Mike Tuviera na maidirek sina Ogie Alcasid at Michael V sa Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie na showing sa September 23.

Habang ginagawa ang pelikula lang niya nalamang maraming fans ang dalawa.

"Humbling experience rin for me to be working with them. Lumaki ako sa comedy, pero ngayon lang ako nabigyan ng opportunity to direct a comedy movie at puro horror movies ang ginagawa ko.

"Para akong students nila, every scene pinag-uusapan namin, all the credits ay kina Ogie at Michael V," wika ni Direk Mike.

Sa tanong kung mapapantayan ng Yaya and Angelina ang box-office gross ng Kimmy Dora, sabi ni Direk Mike, happy siya para kay Eugene Domingo at sa producers nito at suportado nila ang pelikula.

Gusto nilang kumita lahat ang local movies, hindi lang ang Yaya and Angelina.

* * *

Sina Gab Valenciano at Robin Nievera lang ang ipina-interview para sa participation nila sa As 1 concert, pero dumating ang mga ama nilang sina Gary Valenciano at Martin Nievera na ayaw umaming stage fathers sila at present din si Angeli Valenciano na nakinig lang.

First time to perform together sina Gab at Robin at kasama pa sina Gary at Martin, kaya excited sila. Akala ng dalawa wala silang tf sa guesting nila sa concert na bukas na at gagawin sa SM Mall of Asia Concert Grounds kaya laking tuwa nang malamang may tf sila.

Sabi ni Gab, Robin is funnier than him at agree rito si Angeli dahil sobrang witty daw si Robin. "Terrible" ang description nito kay Martin, "energy" si Gary at siya ay "round. "

Parehong articulate sina Gab at Robin, pero mas singer ang huli na ang musical influences ay si John Mayer, David Matthews Band, U2, at Beatles.

* * *

Ending na ngayong Friday ng All My Life nina Kris Bernal at Aljur Abrenica at sa araw ng kasal ni Romina (Kris Bernal) kay Perry (Paulo Avelino), nalaman ni Romina ang totoong nangyari kaya hindi nagpakita si Jules (Aljur) sa engagement party niya.

Hindi matutuloy ang kasal nina Romina at Perry dahil darating si Jules. After six months, manganganak si Lindsay (Jade Lopez). Magkaka-anak na rin sina Amelia (Gelli de Belen) at Romano (Zoren Legaspi). On na sina Maricar (LJ Reyes) at Joseph (Chris Cayzer) at engage na uli sina Jules at Romina. Happy ending ang kanilang love story.

Source: People's Tonight