|
|
| Hindi ako buntis! -- Marian![]() Author: Vinia Vivar Masayang nagsimula ang presscon ng Desperadas 2 kahapon sa Imperial Palace Suites, pero malungkot at kontrobersyal itong nagtapos sa pamamagitan ng pag-iyak ni Marian Rivera, isa sa mga bida ng pelikula, habang sinasagot ang issue na diumano'y buntis siya kay Dingdong Dantes. Marian was asked once and for all to clarify kung totoo bang buntis siya at dito na nagsimula ang "highlight" ng presscon. "Ano ang gusto n'yong isagot ko riyan, daanin ko rin sa smile para kontrobersyal ako?" simulang sagot ni Marian na umani agad ng atensyon simply because everybody knows na si Karylle ang kanyang pinapatutsadahan. Last Sunday kasi, tinanong si Karylle sa The Buzz kung naniniwala siyang buntis si Marian at ngiti lang ang naisagot ng young singer-actress. "Hindi ako buntis, okay?" mariin, pero dahan-dahang bigkas ni Marian na mala-Nora Aunor ang dating. "Napakaraming blessings na dumarating sa buhay ko at hindi ko hahayaang mangyari 'yan sa buhay ko. Masyado pang maaga para mangyari 'yan at hindi na ako bata at lalong hindi ako tanga para magpabaya ako," patuloy pa niya. She was asked kung ano ang naramdaman niya nang dumating sa kanya ang naging reaksyon ni Karylle sa The Buzz. "Nung lumabas 'yan, 'yung mga malapit sa buhay ko, tumawag din. Okay lang 'yung mga sagot niya sa iba, ang problema lang, 'yung huling sagot," Marian said as she started crying. "Para sa akin kasi, may malisya. Puwede namang sumagot siya na 'hindi ko alam' dahil kung ako ang tatanungin kung may babae na nabuntis o kung anuman, sasagutin ko na 'hindi ko alam' o 'wala ako sa posisyon para sagutin 'yan. ' "Pero ngumiti lang siya (Karylle) na parang nambibitin siya. Aaminin ko sa inyo, na-offend ako," humahagulgol pa ring sabi ni Marian. "Nasaktan po ako. Na-offend ako, kasi puwede naman siyang sumagot na hindi, eh, bakit kailangang 'yun ang sabihin niya? "Kung 'yun 'yung way para pag-usapan siya, pabayaan ko na lang po siya. Kung du'n po ang ikaliligaya nila, na manapak sila ng tao, na manakit sila ng damdamin, bahala na ang Diyos sa kanila. "Basta ako, ayoko nang magsalita. Basta ang masasabi ko sa inyo, hindi ako buntis. At if ever man na buntis ako, ako mismo, sasabihin ko 'yon sa inyo. "Pasensiya na po kayo, ayoko na pong magsalita dahil nakakahiya po sa mga kasama ko rito. Imbes na Desperadas ang pag-usapan, ito po 'yung pinag-uusapan. "'Yun lang po, na-offend po ako, nasaktan po ako. Thank you po," very emotional at umiiyak pa ring pahayag ni Marian. Hanggang sa matapos ang kanyang statement, hindi pa rin mapigilan ang pag-iyak ni Marian kaya naman pati si Mother Lily Monteverde (producer ng Desperadas 2), lumapit na sa kanya sa presidential table at inalu-alo siya. Natahimik naman ang lahat ng female co-stars niya na sina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado at Rufa Mae Quinto, pati na ang iba pang nasa presidential table habang nagkakagulo naman ang press at photographers sa harapan para makunan ang pag-iyak ni Marian. Hindi na rin nagsalita pa ang young actress para sa parting shot at nang matapos na ang presscon, nagmamadali siyang umalis dahil may commitment pa raw. For sure, lalaki pa ang isyung ito, kaya abangan na lang natin ang mga susunod na mangyayari sa Karylle versus Marian issue. (Actually, sinubukang kunan ng reaction ng Tonight si Karylle pagkatapos ng Desperadas 2 presscon kahapon via phone, pero aniya, nakapangako na siya sa isang TV host-broadsheet editor na hindi magpapa-interview sa iba. (Ayaw daw niyang sirain ang pangakong iyon, kaya humingi siya ng dispensa. Nang banggitin namin ang naging scenario sa presscon, na na-offend nga si Marian sa ngiti niya sa The Buzz, ang tanging nasabi ni Karylle ay 'okay. ' --- IFF) * * * Pagkatapos ng emotional statement ni Marian, kinunan namin ng reaksyon si Ruffa since isa siya sa co-hosts ng The Buzz. Ayon kay Ruffa, nagulat din siya at wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Kahit nandoon daw siya sa studio ng The Buzz last Sunday, hindi niya napanood ang interview kay Karylle dahil tsismisan sila nang tsismisan ni Kris Aquino. "Kaya kami nabuwisit ni Kris, kasi tapos na pala ang interview, I didn't get to watch, lahat ng tao nagre-react na, wala naman kaming maisagot," say pa niya. Habang nagsasalita si Marian, kapansin-pansin na mangiyak-ngiyak si Ruffa, kaya tinanong siya kung bakit naapektuhan siya. "I'm very emotional kasi na tao. Tapakan lang 'yung langgam, naiiyak na ako, especially kung nakikita ko ang isang tao na umiiyak, naiiyak na rin ako. "Even Marky Cielo na hindi ko kilala, umiyak pa rin ako nu'ng nalaman ko ang nangyari sa kanya at saka nu'ng nakita ko 'yung words of praise sa kanya. " Hindi naman daw ibig sabihin nito ay kinakampihan niya si Marian. Wala raw siyang kinakampihan sa dalawa. "Na-touch lang ako sa kanya kasi naging very emotional siya. " Pareho raw mabait sina Marian at Karylle kaya sana ay magkaaayos na lang ang dalawa. Hindi rin niya alam na may tsismis palang buntis si Marian. "Nagulat na lang talaga ako, wala akong kamalay-malay. Wala naman akong napansin sa set na malakas siyang kumain," say pa niya. Tinanong din si Ruffa kung ano ba ang interpretation niya sa smile na pinakawalan ni Karylle sa The Buzz at say niya, hindi siya talaga makakapag-comment hangga't hindi niya napapanood ang tape. "Hindi ko nga rin alam kung ano bang klaseng smile 'yon, kaya I have to watch the tape pa. Siguro next Sunday, ipi-POV (segment sa The Buzz) namin 'yan. But I really have to watch the tape first bago ako makapag-comment. " Sana nga raw, mai-guest din nila ulit si Karylle para kunin ang reaksyon nito. But above all, she wishes na maayos ito dahil maliit lang naman daw ang mundo ng showbiz para mag-away-away pa. Source: People's Tonight |