|
|
| Hindi ako naghahanap ng vindication - Karylle![]() Author: Nitz Miralles EXPECTED nang pagkakaguluhan ng showbiz press si Karylle sa intimate lunch na bigay ng S magazine sa Cesca Wine Café sa Terrazo Mall kahapon ng tanghali. Siyempre, aligaga ang writers sa pagkuha ng reaksyon ng singer-actress sa palitan ng Christmas gifts ng ex-BF niyang si Dingdong Dantes at ang sinasabing "third party" sa breakup nila na si Marian Rivera. Sabi ni Karylle, nakatulong sa healing process niya ang ginawang retreat at marami ang nagte-text sa kanya kung saan ang Bethesda. Dinala raw niya roon ang Encantadia co-star na si Iza Calzado, na matatandaang kabe-break lang din sa longtime boyfriend na si Jerry Garcia. Pero, ayaw mag-comment ni Karylle sa diamond-studded bracelet na iniregalo ni Dingdong kay Marian nu'ng Pasko. Wala raw siyang kinalaman sa Christmas gift na nabanggit. Nagtawanan at lalo nga lang naintriga ang mga kaharap niya nang itaas ni Karylle ang kanang kamay to reveal a silver, heart-shaped ring na ayaw naman niyang sabihin kung kanino galing. Hindi kaya iniregalo rin 'yon ni Dingdong nu'ng sila pa at pantapat iyon ng dalaga sa ibinigay na bracelet kay Marian? Hahaha! Nang tanungin kung happy naman siya para sa dating dyowa, sey ni Karylle, "I'm always happy naman for Dong, eh. " Feeling vindicated ba siya, dahil finally, lumalabas nang nagkaka-debelopan na nga ang ex-BF niya't si Marian? Ani Karylle, hindi naman niya ginugusto o hindi siya naghahanap ng vindication. Kung umaamin na ang dalawa na posible silang ma-in love dahil pareho naman silang single, ang sey ni Karylle, "Kailangan ko bang mag-comment? I don't wanna comment, wala na akong kinalaman kay Dong anuman ang mangyari sa kanya. " * * * PINAKAMAAGANG dumating sa storycon ng All About Eve ang nagbabalik-showbiz na si Carmen Ronda at si Sunshine Dizon. Ang huli lang ang nakausap namin sandali, na excited na magkakaroon uli siya ng regular show after a year na wala siya sa telebabad. Sunshine is back with a vengeance raw at gagawin ang lahat para muling magmarka ang gagampanang role. Kay Sunshine ibinigay ang role ni Erika, bida-kontrabida na magpapahirap kay Nicole (gagampanan ni Iza Calzado). Ayaw nitong panoorin ang Korean novela para hindi niya magaya ang acting ng Korean actress na nag-portray sa role at para may sarili siyang interpretation. Magiging reunion nila nina Iza at Mark Anthony Fernandez ang All About Eve dahil magkakasama rin sila sa Impostora. Biniro namin si Sunshine na may kissing scene si Erika kay Kenneth (Mark Anthony) at sa role na ipo-portray ni Alfred Vargas at ang dasal nito'y hindi siya manginig habang kinukunan ang eksena dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya gumagawa ng kissing scenes. Excited si Sunshine na magsu-shoot sila nina Iza at Mark Anthony sa ibang bansa at ang unang plano'y sa San Francisco at kung mahihirapan, sa isang Asian country na lang sila pupunta. Ang original All About Eve ay nag-location sa London at isa sa pinakamagandang eksena ng K-novela lalo na kina Nicole (Iza) at Kenneth. "The b-tch is back!" sabi ni Sunshine. * * * BAYOLENTE ang reaction ng ibang fans na si Rhian Ramos ang isa sa tatlong leading ladies ni Richard Gutierrez sa Zorro at dating gawi ang iba na inaakusahan ang dalaga na malakas ang kapit kaya nasundan agad ang La Lola ng bagong project. Lalo pang marami ang nag-iingay nang malamang hindi nag-audition si Rhian at talagang pinili siyang isa sa makapareha ni Richard. Sa interview namin sa kanya last week para sa pagtatapos ng La Lola, may pahaging na siyang hindi si JC de Vera ang kapareha niya sa kanyang next project at nang tanungin kung pasok siya sa Zorro, wala pa raw sinasabi sa kanya ang GMA-7, pero hindi itinangging leading lady siya ni Richard. Sina Isabel Oli at Nadine Samonte ang dalawa sa gusto ng fans na makapareha ni Richard, kaya lang, napili na ang tatlo nitong leading ladies. Better luck next time na lang sa mga nag-audition na hindi pinalad. * * * CUSTOMER development manager pala ng Rustan's si Rima Ostwani, ang bagong girlfriend ni Diether Ocampo. Nabasa namin ang tungkol dito sa lifestyle section ng isang broadsheet. Nadadalas ang pagpi-feature sa dalaga mula nang mabalitang siya ang bagong nobya ni Diether. Pinagdidiskusyunan ng mga nakakita sa GF ni Diether kung si Angelika dela Cruz ba o si Kristine Hermosa ang kamukha nito. Kahit sino ang kamukha ni Rima, ang importante, naka-move-on na si Diether at nakahanap na ng bagong mamahalin. * * * MALAKI ang pasasalamat ni Kevin Santos sa manager niyang si Joe Barrameda dahil mula nang hawakan siya nito, hindi na siya nabakante at sunud-sunod pa ang project. Kasama siya sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang sa role ni Jason, ang makakaribal ni Aristotle (Prince Stefan) kay Athena (Lovi Poe). Sabi ni Kevin, nagsisikap siya para hindi masayang ang opportunity na ibinibigay ng manager at ng GMA-7. Wala rin siyang reklamo sa roles na ibinibigay sa kanya, pero dream niyang makapag-portray ng mabait na role para iba ang mapanood sa kanya. Nadiskubre naming boobs person si Kevin dahil ang sexiest women niyang sina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Ara Mina at Katrina Halili ay pare-parehong boobsie. Source: People's Tonight |