|
|
| Hindi 'big deal' kay Regine ang isyu sa kanila ni Faith![]() Author: Joe Barrameda Hindi naging malaking isyu kay Regine Velasquez ang intrigang namagitan sa kanila ni Faith Cuneta. Actually nalimutan na raw niya nito. Naalala lang niya ito noong nilapitan siya ni Faith noong isang Linggo sa dressing room ng SOP. Humingi si Faith ng dispensa kay Regine sa mga intrigang nadamay ang pangalan ng Songbird. Natural naman na patawarin ni Regine si Faith dahil ang huli na ang nagpakumbaba. Sa pakikipagtsikahan namin kay Regine Velasquez sa launching ng 2nd SOP Music Awards ay nalaman namin na magkakaroon siya ng weekend concert for the whole month of October sa Aliw Theatre. Kung hindi kami nagkakamali ay Reflections ang titulo ng concert series at magkakaroon siya ng ibat ibang panauhin sa mga show na iyon. Ayaw na ni Regine gumawa ng malalaking concert. Okay na siya na ganito ang venue. Syanga pala, sa Huwebes (Setyembre 15) na ang One concert ni Faith sa Music Museum. *** Tuwang-tuwa si Bianca King sa kanyang pagbabalik sa GMA 7. Nasa GMA kasi ang kanyang mga original na kaibigan although may friends din siya sa kabilang network. Hindi niya desisyon ang paglipat sa ABS-CBN. Desisyon iyon ng kanyang manager na si Arnold Vegafria. Wala siyang maipintas sa ABS-CBN dahil maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga staff doon. Inasikaso siya ang mga ito lalo na noong bagong lipat siya para hindi siya mailang sa mga bago niyang makakasama. Ipinagdiinan ni Bianca na kaya siya pumayag na lumabas sa FHM as cover ay para lamang maipakita niya ang ganda ng kanyang katawan, pero wala siyang balak pasukin ang pagpapa-sexy sa pelikula. Hindi pa daw siya handang magpaka-daring pero titingnan din daw niya kapag dumating na siya sa edad na 21. Sa ngayon ay loveless siya kahit marami siyang suitors. *** May sitsit na magpapahinga muna si Claudine Barretto sa teleseryeng Ikaw ang Lahat Sa Akin, at magpo-focus ang istorya nito kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Pumasok na nga sa teleserye si Geoff Eigenmann bilang Ricardo Fernando III o Third, ang best friend at first love ni Jasmin (Bea Alonzo) noong silay musmos pa. Noon pa man, si Third ang hingahan ng sama ng loob ni Jasmin sa matinding pang-aabuso sa kanya ng kanyang madrasta. Kahit bata pay sumumpa si Third na isang araw, ilalayo niya si Jasmin sa kahirapan. Kaso, nakahanap ng oportunidad ang ina ni Third sa ibang bansa, at isinama niya si Third. Nagbalik si Third sa buhay ni Jasmin bilang isang sikat at mayamang manunulat. Ang publishing house ni Oliver (John Lloyd Cruz) ang maglalabas ng bagong libro ni Third. Tatanggapin ba uli ni Jasmin si Third sa buhay niya? Source: Abante Tonite |