Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Hindi si Cesar at Sam ang tipo ko' -- Mariana del Rio

'Hindi si Cesar at Sam ang tipo ko' -- Mariana del Rio

Author: Veronica R. Samio
Column: Sanga-sangandila

Dalawang gabi at tatlong araw na nagbakasyon sa Hong Kong sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Pero hindi silang dalawa lamang ang umalis, kasama nila ang mga kaibigang sina Matt Evans, Melissa Ricks, Aldred Gatchalian at mga  guardians nila mula sa Talent Center.

Sumama si Gerald bilang birthday gift niya sa sarili, at dahil kasama na rin ang favorite leading lady niya  na si Kim. Kanya-kanya silang gastos, bagaman at tumulong si Gerald sa gastos ng pagsa-shopping ni Kim pero, hindi niya inilibre ang lahat ng pinamili nito. Yung iba lamang.

Bukod sa pagsa-shopping, namasyal din ang grupo sa Disneyland at Ocean Park. Roommates sina Gerald at Matt.

Ayaw sabihin ni Gerald kung ano ang binili niyang regalo para sa debut ni Kim sa April 19.

Inamin ni Gerald na hanggang ngayon, matapos ang tatlong taong pagpapareha, kailangan pa rin nila ni Kim ang isa't isa.

"Pero, kapag ipinareha kami ng ABS-CBN sa iba ay okay lang. Trabaho ito na hindi namin matatang­gihan. Pero, sana hindi,"  sabi ng guwapong aktor na nagdiwang ng birthday nung March 7.

* * *

Wala akong kamalay-malay meron palang natapos na movie si Vhong Navarro, katambal si Valerie Concepcion who played mother to Makisig Morales in SupahPapalicious.

Wala naman marahil intensyon na maging isang acting vehicle ang pelikula bagaman at muling ipinakita rito ang kagalingang umarte ni Makisig, ang kahusa­yan sa pagsasayaw at pagpapatawa ni Vhong at ang kagandahan ni Valerie at kung ang hanap mo lamang ay isang nakakaaliw na pelikula, dito ka na.

* * *

Napakaganda nga naman pala ng Brazilian model na na-link kay Cesar Montano, at sinasabing naging dahilan ng hiwalayan nila ni Sunshine Cruz, at ni Sam Milby.

Siya si Mariana del Rio, 17 years old at dinala ng kanyang pagiging modelo dito sa bansa. Nasa Bohol siya kasama ang ibang  mga modelo dahil gusto nilang makakita ng mga tarsiers nang makita siya ni Cesar sa tinutuluyan nilang hotel. Inalok siya nitong lumabas sa isang indie film.

"I was in Brazil when a friend informed me of the issue. I was shocked because the story wasn't true. Except for that one meeting, we never saw each other again.

"I've never had a boyfriend but if ever, I want young men, much younger than him. He's (Cesar) not my type. Ayaw ko ng mestiso," she says in her broken Tagalog pero, ipagkakapuri mo na rin dahil  mas matatas siya sa maraming bagong salta dito na mas matagal nang nasa bansa pero, bulol pa rin sa Tagalog.

Mariana added na bumalik siya para linisin ang kanyang pangalan. At bagaman at nalulungkot siya sa kinasapitan ng relasyon nina Cesar at Sunshine, nalungkot din siya dahil nagamit siya at isinama pa ang kanyang larawan sa mga balita.

Itinanggi rin niya na nagkaro'n sila ng relasyon ni Sam tulad nang napabalita. Inulit niya na ayaw niya ng mestiso at hindi niya type ang ex-PBB housemate.

"I just watched his concert once, yun lang, tapos na-twist na yung story," aniya.

Sa  kabila ng mga kontrobersiya at mga tsismis, na in-love na si Mariana sa bansa. Gusto niyang manatili at magkaroon din ng career dito.

Bilang  pag-welcome sa kanya, isinama siya ng Star Magic sa isang production number sa ASAP where she showed her talent in dancing. Ngayon ikinakabit naman nila ang pangalan niya kay Rayver Cruz na nakasama niya sa naturang number. Mapapanood din siya soon sa Komiks.

* * *

E-mail: veronicasamio@yahoo. com

Source: The Philippine Star