Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Hinihinging P25-M damages ni Richard kulang pa

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

NANDITO na ulit sa Pilipinas si Carmen Soo para ituloy ang mga proyektong gagawin niya sa bansa.

Nang tanungin si Carmen kung hindi ba mahirap para sa kanya ang palipat-lipat ng bansang pinagtatrabahuan, agad sinabi ng aktres na adjusted na siya sa ga-nitong sistema.

Aniya, kahit noong panahong ginagawa pa nila ang Kahit Isang Saglit, she made it a point na maging visible pa rin sa Malaysia.

Every two to three weeks daw siya kung umuwi sa sariling bansa.

"Now that I have worked with her again, I guess, we just have to arrange my work schedule between Malaysia and Philippines. Malaysia will always be my second home," ani Carmen.

Isa rin sa mga naka-line-up na proyektong gagawin ni Carmen ay ang muling pagsasama nila ni Jericho Rosales, this time not on television kungdi sa silver screen.

Makaka-join din nila si Kristine Hermosa, love triangle ang drama nila.

Tinanong namin si Carmen kung aware siya na may past noon sina Echo at Tintin.

"Yes, I know about that. When I was still in Malaysia, Pangako Sa 'Yo was really doing well, and I learned from there that they were together," she said.

Teka, paano naman niya nalaman? Inusisa ba niya?

"No, I've learned about it during one of my guestings in ASAP, we were all watching them on stage and I heard someone said that they were once together. "

Hindi ba siya na-hurt?

"Uhh, no! Jericho and Kristine are both nice and I'm looking forward to work with them. "

Sa pagharap ni Carmen sa ilang entertainment press sa presscon na isinagawa ng Star Magic for her, sinabi ni-yang nagkita na rin daw sila ni Jericho nang dumating siya sa 'Pinas at nag-dinner date na sila.

Napangiti ang da-laga nang tanungin kung may namumuong romansa sa pagitan nila ng aktor.

"Jericho and I are really good friends. I have so much love in my heart, but we are just good friends," seryosong sagot ng dalaga.

Hindi rin niya itinatagong attracted siya sa kaguwapuhan at charm ni Echo, pero wala pa raw talagang li-gawan portion sa kanila.

Wala pa rin daw siyang boy-friend.

Sinasabihan nga raw siya ng mommy niya na 'wag naman puro trabaho at magkapanahon naman sa kanyang mga manliligaw.

Kung tatanggap man daw siya ng manliligaw, mas pipiliin niya ang Pinoy kaysa Malaysian o ibang nationality.

Para kay Carmen, mas romantiko raw kasi ang mga Pinoy.

* * *

PAALIS na kami sa Bacolod City mula sa aming Holy Week vacation nang mabalitaan naming tuloy ang demanda ng pamilya-Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Isang tumataginting na P25-milyong libel suit ang danyos na hinihingi laban sa nasabing entertainment portal kahit pa nagbigay na ng public apology ang editor-in-chief nitong si Joann Maglipon.

Matatandaang naiulat sa nasabing website na diumano'y tinutukan ng baril ni Richard Gutierrez si Michael Flores sa isang party ilang linggo na ang nakararaan at ito ang pinag-ugatan ng demandahan.

Ang balitang na-upload sa PEP ay pinabulaanan mismo ni Michael Flores at ng mga taong dumalo sa naturang okasyon.

May karapatang magalit at magdemanda ang pamilya-Gutierrez sa malisyosong akusasyon kay Chard.

Sinira nga naman ng PEP ang pagkatao ng aktor at kinakailangan itong malinis sa pamamagitan ng korte at hindi ng simpleng apology.

Kung tutuusin nga, kulang ang P25M na moral damages na hinihingi ni Chard.

Source: Taliba