Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Hinugot' nina Marian at Dingdong, 'di porno! Sige, paikutin pa natin ang mundo!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

SA pagkakalkal ko sa mga “Eye To Eye” tapes ko circa 1995 - 1996, aba't sadyang may pagkakaparehas na daig pa ang sinadya at pinagtiyap ng pagkakataon!

Noong mga petsang 'yun 13-years ago ay sina Gabby Concepcion at Jenny Syquia ang nag-aaway. May anak sila, si Chloe, at ang ama ay tinakasan ang mag-ina at namalagi sa Amerika ng 13-years bago bumalik ng Pilipinas.

Sa mga kasalukuyang petsa si Jennylyn Mercado naman ang nanganak na kaaway rin ang ama ng anak niya. Si Patrick Garcia ay nagtungo rin ng Amerika, pero hindi naman inabot ng 13-years or 13 months, or 13-weeks - baka 13-days lang yata nanatili sa Amerika.

Pareho sina Gabby at Patrick na di pa nakikita ang mga anak nila!

And take note: Kung noon ay alaga ni Lolita Solis si Gabby, naging kaaway niya later on.

Kaaway rin ngayon ni Lolit si Jennylyn dahil naman sa alaga niyang si Mark Herras? Ewan?
***

Wala rin palang nagbago sa TV news na up and down na presyo ng gasolina at esso gasul. Parang karnabal na.

At nung 1996 pala ay naghahabulan na sa mga pirated tapes at nagkakabarilan pa sa Quiapo.

So what else is new?

Si Vivialyn Dungca na naanakan ni Phillip Salvador ay may abduction case.
Ganoon din ang isang dalagita na tinakasan ang ina at ibinugaw ng isang bakla sa isang men's club na ngayon ay sarado na, pinasara ni Joseph Estrada.
***

Mukha raw promo ng “Tayong Dalawa” ang paglalaro ng stars ng serye na sina Jake Cuenca at Gerald Anderson. Kasi silang dalawa ang nanalo ng dalawa ring milyon!

At timing naman na sila pa ang 20th millionaire winners? Tama ang obser­basyon ng kaibigang Peachy na komo nasa Dos sila, pulos Dos din sila? Tayong 2, 2 million, 20th winner.

At hindi naman nagpatalbog ang GMA network. Kung lamang sila sa TV ratings, lamang pa rin sila sa panalo sa game shows. 'Yung katapat na game show ng Dos na “Deal Or No Deal” na “Family Feud” ay nagpanalo rin sa contestants nila ng 2 million pesos also, but more than that by 350 thousand pesos. In other words, 'yung “Family Feud” contestant won a total of 2 million and 350 thousand pesos!

Oh debah, pati na sa papremyo mas mataas pa rin ang ratings ng GMA 7?
***

Nowadays, kay dali-daling sabihin at dayain pati na mga televiewers and moviegoers sa tutoong gross ng isang pelikula. Kahit na flop ang isang pelikula, ta­tambakan ng TV promo na “blockbuster of the year”(na naman!), “kay ganda!”, “bagay na bagay sila!”.

Itiniklop na nila ang tunay na batayan kung tutoong kumita nga o hinde ang isang pelikula.

In 1996, mahirap dayain ang kita ng isang pelikula. Kasi ang mga TV cameras ay nakatutok sa ticket booth ng sinehan at ipinakikita kung gaano kahaba ang pila sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng isang pelikula.

So, sinuman ang magsasabi na flop ang isang pelikulang may mahabang pila ay tiyak na nagsisinunggaling at bayaran lang ng kalaban!
***

Ganyan din ang nangyayari ngayon sa magkakatapat na mga teleserye.

Ayaw patalbog 'yung mga talo kaya trabaho ang mga bayarang reporters na ibinebenta ang kredibilidad nila o kawalan ng kredibilidad!

Tatlong gabi pa lang naipapalabas ang “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang” ay sinisiraan na ito at tinatawag ng “porno” raw!

Gusto namin ang takbo ng istorya ng “Eva Fonda” on primetime TV. Gusto namin ang pagkakadirek ng pamangkin naming si Mortis. At may pasubali ang network na hindi puwedeng panoorin ng mga bata ito without the guidance of their parents.

Gusto ko rin siyempre ang tinatakbo ng kuwento ng “Babaeng Hinugot” sa panulat ng Komiks King na si Carlo J. Caparas. And from the looks of it, ingat na ingat si Direk Joyce Bernal sa mga eksena at love scenes nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera. Nothing is pornographic about it. Not even a suggestion.

Compared to “Hinugot”, dobleng higit na mas daring and baring ang “Eva Fonda”. Eh bakit may siraan na agad?

Dahil may takot na manguna na naman ang Dingdong-Marian tele­serye tulad ng dalawang nauna nilang topraters na “Marimar” at “Dyesebel”?

Kung nandedma na lang sana ang kabila, eh di walang added publicity for “Babaeng Hinugot”.

Sometimes it takes an ex­pertise of a 70-year old to assess the competition, noh!

So be quiet girls!
***

Wow, nagbabalik pala sa isang indie film playing the role of a gay itong si Jake Roxas - then bruited and touted about as the “next Richard Gomez”, but fade away in due time without getting the necessary much-needed breaks!

Sa photo ni Jake Roxas (na tinabunan na ni Jake Cuenca) ay may photo rin ng akala mo eh kakambal niya -- o puwede nang maging anak sa TV na si Gerald Anderson!

Pagtabihin niyo ang litrato nina Jake at Gerald and tell me kung tama ako!
***

Paalis na ngayon si Jun Lalin para magbakasyon daw sa Amerika, Los Angeles, San Francisco, plus two other cities pa.

Tapos na raw ang trabaho ni Lalaine kasi sa promo lang daw sa Channel 2 ang assignment niya for the GMA-Regal Films KC-Richard movie na “When I Met U.”

After ng promo ng unang KC-Richard starrer ng Star Cinema ay nagbakasyon din kaagad sa Amerika si Jun Lalin. Talagang nag-eenjoy sa buhay si Lalaine, he spends his income sa whatever pleases him and makes him happy.

Unlike others na ipon nang ipon, pero hindi naman nila ma-enjoy sa pagpanaw nila! Hindi nila na-enjoy ang fruits of their labor!

Source: Abante