|
|
| 'History will judge me'![]() Column: Take It Take It Dinalaw ko uli si Rudy Fernandez sa ospital noong Huwebes dahil sinamahan ko sina Paolo Contis at Robert Ortega na parehong malapit sa kanya. Naabutan ko si Rudy na kumakain ng sinigang na ipinaluto ni Jinggoy Estrada. As usual, nasa tabi niya si Lorna Tolentino na talagang hindi umaalis sa kanyang bedside. Nagbiro pa nga si Daboy na parang ako ang may sakit dahil naamoy niya ang ointment na ipinang-masahe sa katawan ko. Type na type ko ang ointment dahil effective ito para mawala ang sakit ng aking mga kasu-kasuan. Hindi available sa ating bansa ang ointment dahil sa Bangkok lamang ito nabibili. * * * Sabado ngayon as in araw na naman ng Startalk. Kung tutuusin, puwedeng-puwede mag-report si LT sa Startalk dahil tatlong oras lamang siyang mawawala sa tabi ni Rudy pero mas pinili niya na huwag iwanan ang kanyang asawa. Nakakabilib talaga siya. Mula sa ospital, nagpunta ako sa Katre para sa early birthday treat sa akin nina Lucy Si at Victor So ng Bizarre. Matagal ko nang mga kaibigan sina Lucy at Victor. Mga kaibigan through thick and thin. Naloloka nga ako kay Victor dahil hindi niya nakakalimutan ang mga isinusulat ko dito sa PSN as in araw-araw siyang nagbabasa sa Internet. Bongga siya 'di ba? Maraming salamat kina Lucy, Victor at sa kanilang sister-in-law na si Margie ng MegaMotion dahil sa masarap na dinner namin sa Katre. * * * You made my day! Ito ang message na gusto kong iparating sa reader na si Reynaldo (ab7mc2@comcast. net ) na nagpadala sa akin ng email na nakapagpatawa sa akin. Read n'yo muna ang kanyang email: Dear Manay Lolit, How are you today? Gusto ko lang ibalita sa iyo na dito sa California ay kabi-kabila ang celebration especially in San Francisco. Dahil na- approve na ang same sex marriage. Pakipasa na lang itong balitang ito sa iyong mga kaibigan. Hindi ko alam ang email address ni . ... .. Baka gusto mong i- forward ang email ko sa kanya? If you won' t mind , can you give me your mailing address. Kahit P. O. Box puwede. Para kung may occassion like Christmas, alam ko kung saan ko ipadadala ang gift ko sa iyo. Extend my regards to your family. * * * Sa true lang, natawa at na-touch ako sa sulat ni Reynaldo. Na-feel ko ang kanyang sincerity at na-appreciate ko ang pag-aaksaya niya ng oras para makapagpadala sa akin ng email. Malayo pa ang Christmas pero waiting na ako sa Christmas gift ni Reynaldo. Ang cheap ko ha? * * * History will judge me. 'Yan ang masasabi ko sa mga nagtatanong kung bakit nag-retract at nag-apologize ako kina Piolo Pascual at Sam Milby. Sa mga nagsasabi na wala akong kredibilidad, wala akong magagawa kung iyan ang inyong opinyon. May mga pangyayari na hindi ko puwedeng idetalye at naging dahilan para mag-retract ako. Hindi porke nag-retract ang isang tao eh nangangahulugan 'yon na wala na siyang kredibilidad. Panoorin n'yo na lang ang Startalk ngayong hapon para matumbok ninyo ang ibig kong sabihin! Source: The Philippine Star |