|
|
| Hold departure order inisyu laban kay GabbyAuthor: Pilipino Star Ngayon Inutos kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pagpapalabas ng hold departure order (HDO) laban sa dating matinee idol na si Gabby Concepcion upang hindi nito matakasan palabas ng bansa ang paglilitis sa kasong bigamy. Kahapon ay isinagawa ang pre-trial hearing sa sala ni Judge Jansen R. Rodriguez, ng Manila RTC Branch 6, at muling itinakda ang kasunod na pre-trial sa kasong bigamy sa darating na Hunyo 15. Batay sa 3-pahinang kautusan, kinatigan ng korte ang mosyon ng prosekyusyon na magpalabas ito ng HDO laban sa aktor. Inatasan ni Judge Rodriguez ang Bureau of Immigration (BI) na agad magpalabas ng nasabing hold order. Bukod dito, pinaburan pa ng korte ang kahilingan ng prosekyusyon na itaas sa P24-libo ang piyansa laban kay Nabatid na naghain din noong Sabado sa pamamagitan ng registered mail si Atty. Ed Flaminiano, abogado ng aktor, ng motion for reconsideration para mabaligtad ang kautusan subalit hindi pa umano natatanggap ito ni Atty. Riza Endoro, branch clerk of court. Dahil sa mga circumstances, "The public prosecutor argues that there has been an increase in the bail of bigamy as stated in the Bailbond Guide issued by the Department of Justice. From P12,000 the same is now set at P24,000," saad ng kautusan ng nasabing hukom. Nilinaw ng huwes na ikinonsidera niya ang kahilingan ng prosekyusyon sa HDO bunga ng matagal na pagkawala ng aktor sa Pilipinas sa loob ng 13 taon, kaya na-archive ang kaso nito simula noong 1995. Noong Abril 12 ay naghain ng not guilty plea si Concepcion sa nasabing kaso matapos maglagak ng piyansa kaugnay sa bigamy case na inihain ni Mamerto dela Cruz, isang private citizen, dahil sa pagpapakasal ni Concepcion sa dalawang babae, kabilang ang kasal kay Sharon Cuneta. Bukod sa bigamy, may kinakaharap ding kasong falsification of public documents ang nagbabalik na aktor sa Metropolitan Trial Court, sa Maynila kung saan naglagak itong ng piyansang anim na libong piso. (LUDY BERMUDO) Source: The Philippine Star |