|
|
| Hollywood stars, dumagsa sa Pacquiao-Hatton fight! Martin, 'di nagpatalbog kay Tom Jones!![]() Author: Jun Nardo PASADO alas-onse ng umaga kahapon nang sinimulan ang laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton sa pay-per-view na live mula sa MGM Hotel sa Las Vegas, Nevada, matapos ang ilang preliminary boxing. Feeling namin, nasa Las Vegas din kami dahil nasa lower box section kami ng Araneta Coliseum, at eye level ang big screen. Anyway, sa loob ng Araneta ay sigawan ang mga tao nu'ng i-announce na ang laban nina Pacquiao at Hatton. At lalong tumindi ang sigawan nang kumanta na si Martin Nievera ng Lupang Hinirang. Binago ni Martin ang areglo nito, at bumirit din siya nang husto towards the end. Ayaw yatang patalbog kay Tom Jones ni Martin na kumanta naman ng God Save The Queen na anthem ng Britain. Ilan sa mga ipinakitang Hollywood stars na nanood sa laban ay sina Jack Nicholson, Mark Walhberg, Denzel Washington, Mariah Carey, at marami pang iba. Ganoon katindi ang following ng ating Pambasang Kamao. Na puro sikat talaga ang umiidolo sa kanya. Nu'ng magsimula na ang laban, 'pag nakakatama si Pacquiao, matinding sigawan at palakpakan ang namamayani sa paligid. At nu'ng mapabagsak ni Pacman si Hitman sa first round, standing ovation, kasabay ang palakpakan at sigawan na naman ang pumuno sa Araneta. Lalong tumindi ang sigawan at palakpakan nu'ng finally ay mapatumba ni Manny si Ricky! Ang sarap ng feeling namin nu'ng mga oras na 'yon, at kitang-kita namin na proud na proud talaga ang mga Pinoy kay Pacquiao! Hindi rin siya namroblema sa pagkakaroon ng swine flu sa Las Vegas! Maging ang mga nagsasabing may tulog siya kay Hatton, hindi rin niya pinansin! Bagkus, lalong ipinakita ni Manny ang husay niya bilang boksingero at presto, after ng ilang segundo sa second round, win siya by technical knock out! Ayon nga kay Bob Arum, si Manny ang greatest boxer of all times na dapat tularan dahil hindi siya nagpapabaya at tuwina ay gustong matuto sa bawat laban! Sikat na naman ang Pilipinas dahil kay Pacquiao! Source: Abante |