Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Honest mistake

Author: Nitz Miralles

HINDI naging careful ang actress na ito nang mag-show sa isang lugar sa Visayas.

Together with her entourage, kumain sila ng bachoy sa isang restaurant at huli na nang makitang kaharap ng resto ang fast food chain na kanyang ini-endorse at nagse-serve rin ng bachoy.

Honest mistake ang nangyari at 'di dapat sisihin ang actress, pero dapat tsinek muna ng kanyang mga kasama ang area to be sure na 'di siya mapapahamak.

Ang ilang fans ng actress na nakakita sa pagpasok niya sa resto ang nag-worry na baka maging daan para alisin siyang endorser dahil bawal sa endorser ang mag-patronize ng kalabang produkto.

* * *

TAMA ang hinala naming si Jomari Yllana ang gaganap sa role ni Alex Dorantes, ang talent agent na magbi-build-up kay Carla Abellana sa Rosalinda.

Siya rin ang makakaribal ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) sa puso ng dalaga. Kahapon, bumisita kami sa taping ng actor sa Salve Regina General Hospital, Marcos Highway.

Nang ma-interview si Jomari sa presscon ng Yaya and Angelina, nabanggit nitong bukod sa Celebrity Duets 3, papasok siya sa isang primetime soap ng GMA-7, pero bawal pang banggitin.

Nag-one-plus-one kami at hinulaang sa Rosalinda siya papasok at 'di kami nagkamali't nagti-taping na siya.

Masaya si Jomari na 'di siya nawawalan ng trabaho kahit walang manager dahil sinusubukang i-manage ang sarili't dumidiretso sa kanya ang mga offer.

Ang Yaya and Angelina ang last project na tinanggap ni Douglas Quijano for him. Sa September 20 sa SM Megamall pala ang premiere night ng movie at sa Sept. 23 ang opening.

* * *

MAY premiere ang Stairway to Heaven sa Cinema 10 ng SM Megamall bukas at ipapanood sa press ang mga naunang episode na nakunan na.

Ang first three episodes ay istorya ng mga bata at saka papasok sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, TJ Trinidad at Glaiza de Castro.

Sa Sept. 13, ang grand launching ng STH sa SOP at Sept. 14 ang premiere.

Sa direksyon nina Joyce Bernal at Andoy Ranay, kasama rin sina Jean Garcia, Jestoni Alarcon, Karen delos Reyes, Soliman Cruz, Karen delos Reyes, Sandy Andolong at mga batang cast.

* * *

KAKAIBANG presscon ang ginawa para sa season 2 ng Daddylicious dahil ginawa iyon sa 3 Bears resto/bakery/bar ng host na si Chef Niño Logarta sa Provident Village, Marikina City.

Si Chef Niño rin ang naghanda ng sinerb sa press na Fresh Garden Salad with Citrus vinaigrette and Pork floss, 5 Spice Pork Ribs, Silken Dory with Broccoli Florettes, Mushrooms & Sweet Peppers at Fettucine with Longganisa Clam Sauce.

Ang sarap at busog na busog kami sa aming kinain.

Second season na ng Daddylicious, na magpi-premiere sa September 12, 10:55 p. m. , sa Q Channel 11.

Creative at attractive dishes na kahit mapipiling mga bata ay magugustuhan ang ipi-feature at more kid-friendly dishes ang ituturo.

Kasama ni Chef Niño ang mga bagets na sina Miggy at Yummy as his junior assistants. Tutulong sila sa paghahanda ng recipes sa bawat episode.

* * *

PATULOY ang audition ng StarStruck V, na naghahanap ng bagong talents na ibi-build-up ng GMA-7.

Puwedeng pumunta sa GMA Network Center sa September 7 to 11; Sept. 14-18; Sept. 21-25; at Sept. 28 to October 2.

Sabay ang auditions sa CSI Dagupan, SM Pampanga, SM Cebu ngayong Sept. 5 at 6; SM Cebu, SM Davao at SM Iloilo sa Sept. 12 at 13; SM Cagayan de Oro, SM Molino at SM Bacolod sa Sept. 19 at 20; at SM Naga sa Sept. 25-27.

Dalhin ang birth certificate, close-up at whole body photos at ang below 18 years old, dalhin ang written consent at valid ID.

* * *

ISA na namang masayang episode ng Shall We Dance ang mapapanood bukas, 8:30 p. m. , sa TV5.

Tatlong komedyante at dalawang September birthday celebrators ang maghahatid ng entertainment dahil dance battle ng mga komedyanang sina Nanette Inventor, Rufa Mi at ang impersonator ni U. S. First Lady Michelle Obama.

Bukod du'n, birthday celebration din nina Jon Avila, na birthday noong Sept. 1, at Regine Tolentino, na magbi-birthday sa Sept. 8.

Siguradong special episode ang mapapanood with matching surprise guests para bumati kina Jon at Regine.

Source: People's Tonight