Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Horror movie ni Robin pang-Hollywood ang dating

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

PARANG Final Destination ang dating ng Sundo ng GMA Films kung saan isa-isang hinahabol ni Kamatayan ang mga bida dahil nakaligtas sila sa isang sakuna.

Magaling talagang magdirek si Topel Lee ng mga horror flicks kasi nandi-yan lagi ang kanyang "gulat" factor.

Ilang beses kaming napatili at tumaas ang mga paa namin habang pinapanood ang pelikula sa premiere night nito na ginawa sa Cinema 10 ng SM Megamall last Tuesday.

Magaling ang lahat ng mga nagsipagganap sa movie.

Special mention ang dalawang bida na sina Robin Padilla at Sunshine Dizon na mararamdaman mo ang matinding takot at pagkamangha sa mga mata pa lang nila.

May surprise twist sa ending na ikakagulat ng lahat ng manonood!

Showing na ang Sundo ngayon at hindi na kami magtataka kung maging blockbuster ito dahil sadyang mahilig tayong mga Pinoy na matakot!

* * *

Nakausap namin si Robin sa Barrio Fiesta ng Megamall bago magsimula ang premiere night.

Si Marian Rivera nga raw ang gusto niyang makasama sa susunod na gagawin niyang pelikula.

Dahil dito, marami ngayon ang nang-iintriga kay Dingdong Dantes dahil baka raw "masulot" niya si Marian dito, knowing na napakaasikaso niya pagdating sa mga nagiging leading ladies niya.

"Naku, huwag na kamong mag-react si Dingdong. Hindi naman ako makiki-loveteam kay Marian. Hihiramin ko lang siya for one movie," buwelta ni Binoe.

Teka, nag-tame down na ba siya pagdating sa mga babae.

Kilala kasi siya sa showbiz sa pagiging isang ma-tinik na loverboy.

"Basta lalaki ka, hindi ka nagla-lie low pagdating sa mga babae. Siyempre naa-attract ka pa rin sa mga magaganda at seksing mga babae. Ang pagkakaiba lang ngayon, eh, wala na akong oras para manligaw. Kung may free time ako, itutulog ko na lang," paliwanag ni Robin na bising-busy sa kanyang teleseryeng Totoy Bato.

Napag-usapan din ang tung-kol sa pagkapabor niya na liga-wan ang anak niyang si Queenie ng binata ni Chairman Nur Misuari.

Twenty-eight years old daw ito at kahit 10 taon ang tanda nito kay Queenie ay okay lang sa kanya na magpakasal ang dalawa.

"Pero siyempre, ang desisyun ay na kay Queenie, kung mapupusuan ba niya 'yung lalaki, eh, di go! Wala sa akin kung 18 lang siya ngayon kung gusto na ni-yang mag-asawa. Si Liezl (mommy ni Queenie) nga, 15 lang siya nang una ka-ming nagsama," ani Binoe.

* * *

Dahil sikat at stable na sa kanilang career sina Aljur Abrenica at Mart Escudero, minabuti ng GMA Artist Center na bigyan naman ng pansin at i-push nang husto ang career ni Prince Stefan, ang runner-up nina Aljur at Mart sa Starstruck Batch 4.

Ngayon ay kasama si Prince sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tad-yang kung saan kapareha niya si Lovi Poe.

Aminado siyang crush niya si Lovi pero wala siyang balak na ligawan itodahil alam niyang boyfriend nito si ni Jolo Revilla.

Sa katunayan, bumisita na raw si Jolo sa set nila sa St. Augustine Seminary isang hapon at kinausap daw siya nito.

"Mabait naman si Jolo. Hindi niya ako winarningan na huwag liligawan si Lovi. Ang sabi pa nga niya ay alagaan ko raw si Lovi kapag nasa taping kami," kuwento ni Prince.

Source: Taliba