Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Host ng Deal or No Deal type si Kris

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

NASA bansa ngayon si Howie Mandel para mag-host ng isang espesyal na episode ng Kapamilya Deal or No Deal kasama si Kris Aquino.

Si Mr. Mandel ang host ng American version ng Deal or No Deal at ang Pinoy version ang umano'y isa sa napili ng Endemol para bisitahin ng nasabing host.

Sa presscon ng KDOND, sinabi mismo ni Kris, na excited siya sa paghu-host nito with Mr. Mandel.

Kasama ni Mr. Mandel ang kanyang entourage at naging vocal din ang Amerikanong host sa pagsabing gusto talaga niya si Kristeta na mag-host ng game show na kanyang nasimulan sa ibang bansa.

"I really like her. She's so adorable, very charming. I like her gestures and all that," sabi ni Mr. Mandel na naging at-home agad sa pakikipag-chikahan sa press.

Nalaman din namin mula kay Ms. Alou Almaden (business unit head) na tatlong episodes ang ipinadala ng KDOND sa Endemol at na-impress agad ang mga ito sa dating ng hosting style ni Kris pati na ang set and the way the audience responded. Ibang iba raw ito sa style ni Mr. Mandel.

Say ni Kris, since 30 minutes lang ang show niya noon, she had to make it fast at laging may excitement. Sa U. S. version daw kasi, there's more time for pauses at iba naman siyempre ang atake nila roon.

Parang world tour din ito ng Deal or No Deal, kumbaga lahat ng mga bansa kung saan ipinapalabas ang show nila at nag-submit ng episodes ay bibisitahin nila.

Bukod sa atin dito sa 'Pinas, nariyan ang Estonia, South Africa at Europa. Ang ating bansa ang sinasabing representative ng South East Asia.

Take note, mga Amerikano rin ang maglalaro sa episode na ito, kung kaya't exciting talaga. Siyempre, ibang level na ito. The contestants will fly in anytime soon.

Source: Taliba