|
|
| Hot moms Valerie at Jennylyn, nagpaseksihanAuthor: Beth Gelena SINA Valerie Concepcion at Jennylyn Mercado ang bagong endorser ng Belo Medical Group. Nag-pictorial na ang da-lawang alaga ni Becky Aguila kamakailan at nagpatalbugan sa pagpapaseksi ang mga ito. Gulat ang mga nakapanood dahil parehong maliliit ang beywang ng dalawa kahit may mga anak na. Sa interview ay tinawag si Valerie na hot momma. No big deal naman ito sa lady co-host ni Willie Revillame sa Wowowee. Kahit kasi may anak na ay super-sexy pa rin si Valerie kaya maraming kalalakihan ang umaali-aligid sa kanya. Isa na nga dito ang hindi mamatay-matay na isyu sa kanilang dalawa ng basketball player na si Dondon Hontiveros. "I do go out on dates. Wala namang mali doon. Saka we're friends naman talaga at group dates kami lagi," katwiran ni Val. Pero sabi ni Valerie, naipakilala na niya si Dondon sa anak. 'Yun na! * * * SOBRANG na-surprise ang Wowowee host na si Willie at ang audience nang biglang dumalaw si Aling Dionisia, mother ng People's Champ na si Manny Pacquiao, kamakailan. Maging si Pokwang ay nagulat dahil ini-impersonate pa nga niya ang ina ni Manny. Say ni Nanay Dionisia, matagal na niyang pangarap na makapunta sa Wowowee para personal na makita ang host. Tulad ng isang fan ay tuwang-tuwa ang ina ni Manny nang makaharap ang Wowowee host. "Sa lahat ng taga-GenSan (General Santos City), nandito na ako sa Wowowee! 'Yan ang hinihintay ninyo, na makapunta ako sa prog-rama ni Willie. Nandito na ako, nayakap ko na siya. At saka si Pokwang nakita ko na," masayang pagbati ni Aling Dionisia. Game na game din siya na sumagot sa mga tanong ni Willie. Humirit pa si Willie na mas paborito raw ni Aling Dionisia ang hindi pina-ngalanang host sa kabilang network. "Uy, hindi! Hindi mo kaso ako iniimbita dito. Matagal na akong naghihintay. Sabi ko nga sana makapunta ako diyan sa Wowowee kaya lang hindi mo naman ako iniimbita," depensa ni Pac-mom. Dahil sa sinabi ni Nanay Dionisia, hindi nag-aksaya si Willie na imbitahan ito tuwing Sabado para maging regular co-host. Agad namang pumayag ang instant celebrity na si Nanay Dionisia, pero sinabi nitong special number lang muna ang kanyang gagawin. Kaya abangan bukas kung ano at sino ang ka-showdown ni Mommy Dionisia sa Wowowee. * * * MARAMI na ang nag-aabang, lalung-lalo na ang Vilmanians sa one-month-long running TV special ni Vilma Santos na Vilma: A Woman For All Seasons na mapapanood tuwing Sabado ng Agosto. May pressure man sa pagpili kung sinu-sino sa mga mahuhusay at young actress na gaganap sa mga pelikulang nagawa ni Ate Vi, natutuwa ang Star For All Seasons dahil nakikita niyang marami talagang kabataang aktres ang mahuhusay umarte. Matutuwa ang mga taga-suporta at fans ng actress-politician dahil mas makikilala nila ang Star for all Seasons sa pagkukuwento ng kanyang buhay mula sa kanyang acting career hanggang sa pagiging governor ng Batangas sa kanyang TV special. Ipasisilip din dito ang latest movie na ginawa ni Ate Vi, kasama sina Luis at John Lloyd Cruz, na In My Life. * * * TULAD ng kanyang ka-patid na si AJ Dee na nakapagtapos ng pag-aaral bago pumasok sa showbiz, si Enchong Dee ay nagtapos na rin ng pag-aaral sa De La Salle University. Isa siya sa nagmartsa sa 155th commencement exercises ng De La Salle sa PICC sa Pasay City kamakailan. Very proud ang parents ng young actor habang pinapanood ang anak na tumatanggap ng diploma sa Bachelor of Arts Major in Development Studies. Source: Taliba |