|
|
| Housemates ng PBB nagiging interestingAuthor: Mercy Lejarde RUMOR: Hindi raw gaanong dinumog ng mga Caviteño ang maagang pamasko sa kanila ni Sen. Manny Villar kung saan nagbigay kasiyahan si Wowowie host Willie Revillame kasama ang ilang singers at dancers last Oct 11? FACT: In fairness, napuno ng utaw ang malaking open field ng Dasmariñas Natio-nal High School, mereseng maputik ang nasabing open field ng school dahil kay Ondoy at Pepeng. Lahat ha-los ng mga tao ay gustong makalapit kay Willie kaya ninerbiyos ang inyong ling-kod dahil baka any moment ay magkaroon ng stampede nang gabing 'yon kasi naman ang dami na ring hini-mitay na oldies. But everything went smoothly naman that night. Thank God! RUMOR: Tsugi na ang character ni Bitoy, a. k. a. Michael V. , sa Kapuso Network. FACT: Buhay pa rin ang character ni Bitoy, 'yon nga lang hindi na Bitoy's Funniest Videos kundi Bitoy's Showww Time na ang um-pisa ng airing ay ngayong gabi sa Sabado Star Power ng GMA-7 pagkatapos ng Celebrity Duets 3. * * * RUMOR: Si Richard Gomez pa rin ang host ng Family Feud season 3 na papalit sa timeslot ng Hole In The Wall, Monday to Friday, before Ikaw Sana sa GMA7, pero walang bago. FACT: Maraming pagbabago sa bagong season ng FF ni Goma. Aside from big cash prizes and bonus giveaways, major changes were made sa show to a 'brand new look,' tulad ng hi-tech playing mode, advanced lighting effects and fabulous studio arrangement, para naman makaagapay sa international market. * * * RUMOR: Nakasentro lang daw lagi ang istorya ng George & Cecil sitcom sa mag-asawang Ryan at Juday? FACT: No naman. This Sunday's episode ng George & Cecil ay nakasentro ang story sa mommy ni Cecil (Ryan ) na si Maribel ( Tes-sie Tomas ) dahil nagbabalik ang Dad (Ariel Ureta) ni Ce-cil kasama ang kanyang mis-tress para mag-file ng annulment sa kasal ng parientes ni Cecil. RUMOR: Busy si Megastar Sharon Cuneta sa shooting ng Mano Po 6 ng Regal Films kaya replay ang episode sa Linggo ng gabi sa Sharon. FACT: Tinapos muna ni Megastar ang taping ng Sharon last Monday para sa Discoveries episode this Sunday na ang guests ay ang Star Magic boys na sina Mickey Perz, Rodjun Cruz, Enrique Gil, Thou Reyes, Charles Christianson, Sergio Garcia, Kaye Abad and Guji Lorenzana with Aiza Seguerra, Erik Santos and comedians Noel & Vone ba-go ito nag-first day shooting ng Mano Po 6. RUMOR: Ang kauna-una-hang solo album ni Jericho Rosales titled Change ay may nakapaloob na 14 love songs, pero walang dedica-ted sa ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista. FACT: Sa launching ng Change solo album ni Jeri-cho last Wednesday ay ina-min niyang dedicated ang kantang I Love Your Ways sa ex-love niyang si Heart. RUMOR: Dahil always rai-ning , tipong napapraning ang halos karamihan sa mga Pinoy kapag umuulan dahil na-trauma sa bahang dulot ng bagyong Ondoy at Pe-peng kaya postpone daw ang showing sa Oct. 28 ng Patient X nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes. FACT: Sa grand presscon ng Patient X last Thursday, ipinahayag ng mga bumubuo ng nasabing pelikula na tuloy na tuloy ang showing nito sa Oct. 28 in theaters nationwide, rain or shine. RUMOR: Wala raw inte-resting characters sa housemates ngayon sa Pinoy Big Brother Double Up. FACT: Meron! Sina housemate Rob at transgender housemate Rica na nagpapanggap na magdyowa sa co-housemates. Hinihintay ng maraming viewers kung magkakaroon ng real lips to lips kissing scene ang dalawa. Another interesting housemates na bagong pasok sa Bahay ni Kuya ay ang mag-asawang Jimson at Kath with charming banker ng Baguio City na si Patrick. Ang task ni Kuya ay papa-niwalain na mag-asawa sina Kath at Patrick. Kaso hindi nakayanan ng tunay na asawang si Jimson ang selos factor kaya bumigay ito na ikinasama ng loob ni Patrick. Source: Taliba |