|
|
| Hunk aktor nagtatagoAuthor: Tonee Coraza Literal na bumaha ng mga artista ng ABS-CBN sa launching ng Star Magic 2009 sa lobby ng EDSA Shangri-La Hotel noong Linggo. Dumating ang premiere stars ng Star Magic na sina Claudine Barretto, Piolo Pascual, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, Sam Milby, Roxanne Ginoo, Jake Cuenca, Angelica Panganiban, Zanjoe Ma-rudo, Shaina Magdayao, Jon Avila, Rafael Rosell, Maja Salvador. Yeng Constantino at Nikki Gil. No show naman sina Kristine Hermosa, Rica Peralejo, Kim Chiu at Gerald Anderson (na kasalukuyang nasa Europe with Robin Padilla para sa Smart) at Pokwang. Apir ang buong Star Circle Batch 15 & 16, SCQ season 1 & 2, Be Bench winners, Anime, ang mga PBB Teen Edition 1 & 2, PDA Season 1 (wala pa 'yung PDA Season 2 dahil nasa Dream Big pa raw ang mga ito at hindi pa nate-turn-over sa Star Magic). Wala ang ibang big stars ng ABS-CBN tulad nina Angel Locsin, Jericho Rosales, Anne Curtis, Luis Manzano, Toni Gonzaga, Vhong Navarro, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Willie Revillame, John Prats, Valerie Concepcion at Cristine Reyes, simply because they are being managed by other artist managers and not Star Magic! *** Nanghihinayang naman kami at hindi dumating si Carlos Agassi para i-dispel niya ang rumors once and for all ang tsikang may sakit daw siya ngayon dahil sa pagtuturok niya ng steroids sa kanyang katawan. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi napagkikita si Carlos lately at wala siyang ginagawang kahit na anong TV show. Kinumusta na lang namin si Carlos sa isa sa kagrupo nitong Hunks dati na si Piolo Pascual. "As far as I know, Amir (real name ni Carlos) is healthy. Wala si-yang sakit na ganoon," pahayag ni Piolo na aminadong matagal na rin niyang hindi nakikita ang aktor. Ito naman ang sabi ni Diether Ocampo na isa rin sa original Hunks. "Nakita ko siya noong July or March pa yata 'yun sa birthday ng isa sa handlers ng Star Magic. Okay naman siya. Wala siyang sakit at hindi naman siya payat. "May narinig ako na magkakasama raw kami sa isang bagong show. But nothing is definite yet. Hindi ko alam kung nakapag-pictorial siya para sa 2009 catalogue. " Napuna namin na malikot ang mga mata ni Diet ng gabing 'yun sa launching. Panay ang tingin niya sa mga bagong artistang babae ng Star Magic. Aminado siyang wala siyang girlfriend ngayon kaya nga naghahanap siya. Marami raw siyang nakikitang magaganda kaso hindi niya alam ang pangalan ng mga ito porke nga mga bago pa lang. Well good luck na lang sa paghahanap, Diet! * * * Masayang ibinalita sa amin ni Jon Avila na naka-three shooting days na siya para sa pelikulang One Night Only ni Katrina Halili under Octoarts Films. So, hindi pala totally ban sa Star Magic ang movie na ito. Natutuwa siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na ma-katrabaho ang Kapuso stars na sina Katrina, Diana Zubiri at Paolo Contis. Kasama rin niya ang isa pang Kapuso na si Rufa Mae Quinto sa pelikulang Singles naman under Viva Films. Tapos lilipad sila ni Lucy Torres patungong Guam sa Oct. 9 para sa kanilang Shall We Dance na TV show sa TV5. Kasama rin niyang co-host dito si Victor Basa. After Kapitan Boom ay nakatakda niyang ga-win ang Pinoy Justice League kasama sina Vhong Navarro, Mariel Rodriguez, Luis Manzano, John Prats at Shaina Magdayao. Abangan din daw ang bago niyang Bench Body billboard na super sexy ang dating. Source: Taliba |