|
|
| Hunky character actor feeling sikatColumn: Eksenadora Kung pag-ibig lang ang pag-uusapan, masasabing beterana na itong si Kristine Hermosa. Sa presscon ng My Big Love (palabas na sa Febuary 27), naging topic ang mga naranasan ni Kristine and at her age ay matatag na siyang matatawag. Napangiti lang ang aktres, palibhasa'y knows niya ang ibig sabihin ng press at that time. "Ay , oo naman po. Marami akong natutunan lalo na pagdating sa mga bagay tungkol sa puso at mahirap talaga ang masaktan. " Sinabi ni Kristine na ang kanyang first big love ay si Jericho Rosales, at saksi ang lahat kung gaano katamis ang pag-iibigan nila noon. Nakita rin namin kung paano siya alagaan ng aktor kesehodang ipaghimay pa siya ng pagkain. Bongga, di ba? Hindi rin ipinagkaila ng aktres na one great love niya si Diether Ocampo. Obvious ba? Nauuwi nga sa kasalan at eventually hiwalayan ang lahat. Aniya, marami siyang natutunan sa naging relasyon niya with Diether, isa na rito ang huwag madaliin ang mga bagay-bagay. Sabi ni Kristine, 'pag in love raw kasi nakakalimutan nating i-prioritize ang mga bagay kung kaya't nagiging magulo lang ang sitwasyon minsan ng da-lawang taong nagmamahalan. Habang tini-tingnan namin ang aktres na nagsasalita about her past relationships, walang bahid na pagsisisi sa kanyang mukha. Pero halatang natuto na siya. Kaya naman pala nasabi rin ng tisay na aktres na ibang-iba ang level ni Oyo Sotto kina Jericho at Diet. Aminado si Tintin na super close siya kay Oyo, they get along well pero good friends lang daw sila. In short, pang-barkada lang si Oyo. Ganoon? Hindi pang-boyfriend material ito? Hmmn, baka naman kailangan pa ng konting panahon para ma-develop nang sa ganoon ay maging ka-level na niya ang mga lalaking minahal ni Tintin. Ano sa tingin niyo? * * * BLIND ITEM: Ano ba itong nakarating na chika sa amin tungkol sa isang hunky character actor na umano'y feeling sikat na ngayon? Ayon pa sa naka-chikahan namin na naimbiyerna sa aktor na ito, nu'ng minsan daw na gusto nitong interbyuhin ang aktor ay kinailangan pang dumaan umano sa screening ang tanong ng nasabing reporter na ito? Ay, grabe naman ito. Kuwento pa ng aming source, magkakilala ang isang reporter at aktor na ito kung kaya't akala nu'ng tao ay madali sa kanya ang makipag-chikahan na lang dito. Naku, pinahirapan lang siya at super ask pa raw ang handler nito ng copy ng questions para sa character aktor. Minsan, OA rin talaga ang mga handler sa totoo lang. Hindi naman kasikatan ang aktor kung kaya't nakakaimbiyerna nga namang umasta ng ganoon ito. Sayang, cute pa naman siya. Ang initials ng namesung ng aktor na feeling ay galing sa bansa kung saan naroon ang Hollywood sa Amerika. * * * Nakausap namin ai Michelle Murenec sa presscon ng Koolchx recently at nu'ng tinanong namin siya tungkol sa boyfriend ni-yang si Janus del Prado ay agad niyang sinabi na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito. Nagulat naman kami dahil very vocal si Janus na masaya na siya piling ni Michelle after his past relationship with another youngstar pero itong si Michelle ay gustong ilihim ang sa kanila ni Janus? "I just want to keep whatever we have because I respect our relationship. " Ayaw lang dalaga na masyadong ma-publicize 'yung relasyon nila. Hindi raw totoong ikinahihiya niya si Janus. Mahal daw ni Michelle ang boyfriend. Aniya, supportive si Janus sa kanya at talagang maalaga ang boyfriend niya sa kanya. Anyway, cover ang Koolchx sa Maxim Magazine sa darating na March at siguradong may bagong kapana-panabik na naman sa mata ng kalalakihan. Fresh faces at may talent pa ang mga ito, siguradong another exciting experience for the men to see them on screen at sa magazine. Source: Taliba |