|
|
| I cannot do a movie (with Gabby) for the sake of the fans -- SharonAuthor: Tonee Coraza Super close talaga sina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos at napatunayan namin ito nang mag-surprise guest si Mega sa birthday presentation ni Juday sa SOP kamakailan lang. At dahil super close sila, isa si Sharon sa unang nakaalam sa engagement nina Juday at Ryan Agoncillo. "Naku, mas higit pa sa magkapatid ang turingan namin ni Judy Ann. Eversince we did the movie, Magka-patid, e, naging super close na kami. We text and e-mail each other always. "Regarding sa engagement nina Judy Ann and Ryan kung wala pa silang sinasabi sa press, wala rin akong alam tungkol diyan. "Basta alam ko Judy Ann is lucky to have Ryan dahil he's a very decent man at alam kong mahal na mahal siya nito. Kahit 30 years old na si Judy Ann, she looks ten years younger,"pahayag ni Sharon. Ipapalabas na ngayong May 28 ang pelikulang Caregiver ni Sharon with John Estrada pero ang pelikulang pagsasamahan sana nila ni Gabby Concepcion ang ipinipilit pa rin ng mga tao. Sa totoo lang, flattered si Shawie na marami pa rin silang fans ni Gabby after all these years pero nagpapaumanhin siya sa lahat ng Sharon-Gabby fans dahil hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ng mga ito na magsama sila uli ni Gabby sa isang pelikula even for one last time. "I cannot do it for the sake of the fans or for the sake of art. For the sake of my life, I would not do it! I cannot allow my family be dragged by the controversy and intrigues if I said yes to the movie. "Kahit walang sinasabi ang husband ko, I don't want to put him through this. Even my two little daughters, ayoko silang ma-confused. "Kilala nila si Gabby as KC's real father pero hindi nila maiintindihan kung magsasama kami sa isang movie. "People have forgotten na yata na Gabby and I have been separated for 21 years already. Tapos 'yung last movie pa namin na ginawa, 'yung Dapat Ba Kitang Mahalin' "I regretted doing it kasi that time hindi na kami in good terms ni Gabby," paliwanag ni Sharon. Kaya out of the question na talaga na magsasama pa sila ni Gabby sa isang movie or silang tatlo nina KC. Pero hindi naman daw niya pinipigilan si KC na gumawa ng movie with Gabby dahil alam niyang mahal ni KC ang dad nito. * * * Walang sama ng loob si Angeli Pangilinan-Valenciano kay Heart Evangelista sa pag-alis ni Heart sa Genesis at paglipat nito kay Annabelle Rama bilang manager. Rason ni Angeli, wala naman daw siyang contract kay Heart dahil eversince nang lumapit ito sa kanya para magpa-manage two years ago ay alam naman niya na magkakabati uli sila ng parents nito at ang mga ito na uli ang magma-manage sa career ni Heart. Wala rin daw kaso sa kanya kung si Annabelle na ang manager nito ngayon kasi kaibigan naman daw niya si Tita Annabelle. At sa katunayan, for a time ay siya pa nga ang naging manager rin ni Ruffa Gutierrez dati. Pero inadvice na rin niya si Ruffa dati na mas mabuti pa na 'yung mommy na niya ang mag-manage sa kanya full-time. Nung nakaraang Mother's Day nga raw ay tumawag pa si Ruffa sa kanya para batiin siya sabay kumusta sa kanya if she's okey dahil nga sa paglipat ni Heart sa mommy nito. She assured Ruffa that everything is fine. Nagulat lang Angeli na sa paglipat ni Heart sa GMA ay nawalan na ito ng limitations sa kanyang career. Kasi nang nasa poder pa raw ng ABS si Heart ay maraming itong limitations at maraming bawal gawin. Nasaktan din daw siya sa break-up nina Heart at Jericho Rosales dahil pareho niya itong mahal. Marami siyang alam tungkol sa real reason ng break-up ng dalawa but in respect sa privacy nina Heart at Echo wala siyang sasabihin. Iniimbitahan ni Angeli ang lahat na manood ng 25th anniversary concert series ni Gary Valenciano titled His Love sa Music Museum on May 22, 23, 29 & 30. Guesting are their two sons, Paolo and Gabriel Valenciano. Source: Taliba |