|
|
| I have changed — SunshineAuthor: Leo M. Bukas SUPORTADO ni Sunshine Cruz ang bagong Petit Monde endorser na si Carmen Soo. Lumipad pa ang huli from Malaysia para mag-pictorial dito sa 'Pinas for the said apparel brand at um-attend ng presscon. Ayon kay Sunshine, siya na lang ang natitira mula sa unang batch ng celebrity endorsers, like Ana Roces and Carmina Villarroel. During the presscon, hindi nakaligtas si Sunshine sa pangungulit ng press tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Cesar Montano. "We're okey... okey na kami. May plano nga si Buboy na mag-Hong Kong Disneyland this Christmas. 'Yun kasi ang gusto ng mga bata," kuwento pa niya. Very proud din si Sunshine na amining unti-unti na nilang nalalampasan ni Cesar ang mga pagsubok bilang mag-asawa. "Wish ko na patuloy naming malampasan lahat ng mga dumarating na trials. Saka, may mga na-realize rin ako sa mga nangyari. Nalaman ko na talagang mahal ko siya. Parang hindi ko yata ma-imagine ang buhay ko, ang sarili ko na magkakaroon pa ng ibang lalaki. " Eh, anong feeling niya na biglang lumantad ang dating karelasyon ni Cesar na si Stella Penalosa? "Puwedeng 'wag na lang akong mag-comment diyan? I have changed," diretso niyang sagot. "Gusto naming mag-Christmas together kaya puro positive lang muna 'yung iniisip namin. Nakita ko rin 'yung effort niya na maayos ang pagsasama namin, kaya nagpapasalamat ako kay Buboy," dagdag pa niya. * * * HUWAG na kayong magtaka kung bakit wala na ang ginagamit na sasakyan ng guwapong aktor na dating boyfriend ng isang gay singer. Hinatak ang sasakyan ng kumpanyang pinagkakautangan nito, dahil eight months nang hindi nababayaran. Ang sasakyan ng guwapong aktor ay hindi galing sa gay singer. Bigay ito ng isa pang bading na karelasyon din ng aktor. Sabi ng gay singer: "Naku, karma lang 'yan, kasi ipinagpalit niya ako sa iba. 'Yan tuloy, wala na siyang car ngayon. Buti nga sa kanya!" * * * IMBIYERNA ang kasamahan naming Showbiz Mismo anchor sa DZMM na si Wendell Alvarez sa manager ng international group na Michael Learns To Rock. Hindi raw kasi siya pinapasok nito sa booth habang iniinterbyu ni Jobert Sucaldito ang grupo. Ang kuwento ni Wendell, ipinagtabuyan siya ng manager ng MLTR. Bago ang naturang insidente, naikuwento ni Mariel Rodriguez na nagkaroon sila ng halos kaparehong insidente nang mag-guest ang grupo sa Wowowee. "Kita mo? Bastos talaga sila!" galit na sabi pa ni Wendell. Source: People's Tonight |