|
|
| I love everybody — GretchenAuthor: Ian F. Farinas 'Yan ang iniwang pahayag sa press ng kontrobersyal na si Gretchen Barretto bago lisanin ang launching ng CD niyang Unexpected para makipagkita't makipag-usap kay Nadia Montenegro sa Hotel Rembrandt nu'ng isang gabi. Ang nasabing linya ay tugon ng aktres sa tanong kung mahal pa rin niya o magkakaayos pa sila ng kaibigang sinasabing nagkalat ng mga malisyosong intriga laban sa kanya. "Life is short to waste on galit and pakikipag-away," dagdag pa ni Greta. Mas maganda raw kung magmamahalan ang lahat, maging sila ni Nadia. Nang tanungin naman kung alin sa mga kanta sa Unexpected ang puwede niyang i-dedicate rito, I Will ang pinili ni Greta, sabay kanta ng lyrics nitong, "Who knows how long I've loved you/You know I love you still. .. " Tanggap daw ng aktres na hindi ibibigay ng Diyos sa kanya ang lahat, although kinu-consider daw niya ang sarili na sobrang blessed sa maraming aspeto — career-wise, family and even friends. "The world is not perfect, we are not perfect, pero ganu'n talaga, eh," makahulugang pahayag pa ni Greta. Ang emosyon daw ng tao, paiba-iba, gaya ng selections sa Unexpected, na sumasalamin sa buhay at tunay niyang damdamin. Ang mga problema nama'y itinuturing niyang reminders para makaalala tayong magdasal sa Diyos. Sa totoo lang, wala na raw siyang karapatan pang mag-complain, pero kung may wish man siya, ito'y good health para sa mga mahal niya sa buhay. Siyempre, unang-una na rito ang live-in partner na si Tonyboy Cojuangco, na nakatakda uling operahan sa Amerika anumang araw mula ngayon. Kaya nga raw espesyal sa kanya ang kantang Ikaw Lamang sa Unexpected, dahil personal favorite ito ni Tonyboy. Kuwento ni Greta, nu'ng panahong kakaopera lang ni Tonyboy, napaiyak ito nang mapanood ang isang contestant na kumakanta ng nasabing awitin sa Philippine Idol. "Doon ko na-realize na gosh! You know, people you love around you, puwede pala silang mawala sa isang iglap," aniya. "Kaya nu'ng nag-recording ako niyan (Ikaw Lamang), 'yung una lang ang nakanta ko, nag-stop ako, kasi that song talaga pierced through me," dagdag pa ni Greta. Samantala, ipinagbawal man ang mga personal na tanong bago simulan ang album launch, bago ito nagtapos ay nagpakawala si Greta ng ilang maiintrigang pahayag, sabay pakiusap na sana'y maintindihan ng press ang sitwasyon niya. Ani Greta, "Marami akong gustong i-share sa inyo. But I'm not ready right now. I'd like to be very honest with all my heart. .. Tinanong kanina maligaya ba talaga ang Gretchen? Maligaya ako, generally. Meron bang problema si Gretchen? Oo, may mga problema. May heartbreak ba si Gretchen? Oo, may heartbreak. In love ba si Gretchen? Oo, obvious ba, nandiyan naman na sa CD. "Pero to actually isa-isahin, meron akong mga taong gustong protektahan, may anak ako, may mga taong nagmamahal sa akin. "May mga taong hindi naman talaga taga-show business, pero sana pagpasensiyahan n'yo kung may mga bagay na hindi ko puwedeng i-open. "Kasi kung ako lang, bilang Gretchen Barretto, minus 'yung mga taong hindi naman. .. mga pribadong tao naman 'to. Hindi naman sila kasing daring ni Gretchen, kaya ang hirap, nahihirapan ako. "Sana maunawaan n'yo ako. Sana, one day, magawa ko ang buhay ko, kasi talagang colorful siya. " Ngayong Biyernes naman kukunan ang music video ng carrier single niyang Please Don't Ask Me sa ilalim ng direksyon ni Raffy Francisco. Excited si Greta, dahil first MTV daw niya ito. Pero, wala siyang gaanong ini-expect as far as sales of the CD are concerned. Katuwiran niya, money is just money. Gusto lang naman daw niyang ibahagi ang love niya for music kaya gumawa ng album sa Star Records. Sakaling kumita, hindi raw sa kanya mapupunta ito, kundi sa isang charitable organization, gaya, halimbawa, ng Bantay Bata. At kung hindi kumita? Ani Greta, "Okay lang, si Tony naman ang gumasta riyan, 'di naman ako. Hahaha!" Source: People's Tonight |