|
|
| I never asked for vindication -- Karylle![]() Author: Vinia Vivar SA nakaraang contract signing-cum-presscon ni Karylle bilang endorser ng Pink Water Body Spray ng Ever Bilena, hindi pa rin maiwasang maitanong sa singer-actress ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes. She was asked kung ano ang masasabi niya na nakitang magka-holding-hands sina Dong at Marian Rivera sa wake ni dating Pangulong Cory Aquino at say niya, "It's almost been a year, so, hindi na ako kailangang mag-comment, kasi wala na ako sa picture na 'yon, eh. Kumbaga, bakit pa ako mag-i-insert ng ID picture? Ngayong unti-unti nang nagiging open sina Dingdong at Marian tungkol sa noon pa ay napapabalitang relasyon nila, doesn't she feel vindicated? "I never asked for vindication nor did I want it, and I think that's why a lot of good things came into my life, kasi 'yung mga bagay na ganu'n, hindi ko na siya inisip, tinanggal ko na siya sa...kasi ang instinct ng tao na mali is gusto mo ng revenge, gusto mong ipaalam sa lahat ng tao 'yung totoo or whatever, pero hindi, eh. " So, hindi niya naisip ang mag-revenge? "Naisip ko, pero it's not the right thing to do. Hindi ka magkakaroon ng peace in the end. Ako, kaya ko lang naman ito ikinukuwento pa, kasi, when I see friends, ganyan, feeling nila, what I want is revenge and stuff like that. "But it's not something that I ever wanted and that's why a lot of good things are happening. 'Yung iba kasi, ganu'n ang feeling nila sa ex nila. Sabi ko, huwag na, hindi siya nakakabuti sa 'yo at saka, hindi nagpu-flow 'yung blessings. "'Pag hindi mo hinangad 'yung masama sa ibang tao or kahit hindi man masama 'yung vindication, medyo negative pa rin siya, hindi...I mean, kaya kita mo, ang daming blessings like may album's doing well, 'yung Time For Letting Go, and then ito nga, may Pink Water endorsement ako, after this, we're launching another endorsement and another one pa and hopefully, meron pang mga kasunod, I'm crossing my fingers kasi, may mga gusto rin akong ma-purchase," sabi ni Karylle. Hindi na raw sila nagkikita ni Dingdong kahit aksidente pa at kahit magkasosyo pa sila sa restaurant na itinayo nila. May iba naman daw kasi silang partners kaya hindi naman kailangang mag-usap pa sila. Pero okay din naman daw kung sakaling magkita sila. Hindi pa masabi ni Karylle kung ready na siyang ma-in-love ulit, pero minsan, lumalabas daw siya on a group date. "Hindi naman ako nagmamadali," she said. Samantala, ang Pink Water Spray na ine-endorse ni Karylle ay may apat na scents, ang Feel Me, Smell Me, Kiss Me at Love Me. Magkakaroon din ito ng TVC na magsisimula pa lang i-shoot ngayong September. * * * ENDORSER na rin si Jinkee Pacquiao ng Belo Medical Group at nagkaroon na siya ng formal launching last Tuesday held at Dolce Restaurant sa T. Morato. In fairness, super slim nga ngayon si Jinkee at aminado siyang super satisfied siya sa Belo Diet Injections ang latest non-surgical weight loss method ng Belo Medical Group. Thirteen pounds na raw agad ang nabawas sa kanya right after a few weeks. Maging ang asawang si Manny Pacquiao ay nagulat daw nang pumayat siyang bigla. Pagkatapos niya kasing manganak kay Queenie, nag-gain siya ng 20 lbs. Pero ayaw daw ng asawa na magpa-liposuction siya o mag-resort sa mga ganitong technology para pumayat kaya inilihim niya ito at first sa kanyang mister. Habang nagte-training noon si Pacman sa U. S. para sa kanyang laban (with Hatton), doon tumiyempo si Jinkee at nagpa-inject ng Belo Diet. Kaya nagulat daw si Pacman nang makitang payat na siya but at the same time, nagustuhan naman daw nito ang bago niyang kaseksihan. Ayon kay Jinkee, medyo naging seloso nga ngayon ang asawa. Kung dati ay siya ang selosa, ngayon, si Pacman na't parati siyang tinatanong kung saan pupunta. May taping nga lang daw ito nang araw na iyon ng launching, pero kung wala raw ay tiyak na sasama ito. Nabiro rin si Jinkee na baka nai-insecure siya sa biyenang si Aling Dionisia dahil sikat na rin ito at endorser na ngayon. Natawa ang misis ng boxing champ. Siyempre raw ay masaya siya para sa mother-in-law at hindi siya nai-insecure. Source: People's Tonight |