Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

I never want to see myself on top -- Dingdong

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Mahilig pala sa love story si Dingdong Dantes kaya swak sa kanya ang Stairway to Heaven and the sadder the love story is, mas lalo niyang gusto. Dalawa sa favorite love story niya ang Wicker Park at Griffen & Phoenix na parehong simple, pero tumama sa panlasa ng mga Pinoy.

Nagugustuhan ni Dingdong ang itinatakbo ng istorya ng Stairway to Heaven ngayon na malapit nang malaman ni Jenna (Rhian Ramos) ang tunay niyang pagkatao, pero sandali lang sila sasaya dahil may panibagong hamon sa love story nila ni Cholo (Dingdong).

"Sabi ng GMA-7, stick kami 90 percent sa original story na siya naming ginagawa at dahil wala kaming naririnig na reklamo, ibig sabihin, happy ang viewers sa kanilang napapanood. Natanggap na rin ang love team namin ni Rhian at masaya kaming dalawa du'n. "

Maganda ang sinabi ni Dingdong about popularity. Sabi nito: "I never want to see myself on top because when you're at the peak, there's no other way but down. Rather, I would think that there's nobody at the top para hindi nawawala ang drive to do my best. But as of now, maganda ang nakukuha kong biyaya from the network. "

* * *

Malaki na ang ipinagbago ng buhay ni Jude Matthew Servilla, ang Birit Baby 2009 grand champion ng Eat...Bulaga. Suportado siya at ng kanyang pamilya ng TAPE, Inc. , binigyan pa siya ng vocal coach para mas mahasa pa.

Nakalipat na sila ng bahay dito sa Manila na hindi binabaha, unlike their place in La Carlota City, Negros Occidental. May pambili na rin siya ng sapatos 'pag nasira ang bagong biling leather shoes at nakukuha na rin ang ibang kaginhawaan ng buhay na mailap sa kanila noon.

Ang Hanggang ni Wency Cornejo ang winning piece ni JM na naalala namin, nagpanalo rin kay Gerard Santos sa Pinoy Pop Superstar, suwerte ba o bagay sa male singers ang nasabing kanta at lahat nang bumabanat ni-to'y nagiging champion?

Laging hinihintay ng kanyang fans ang regular segment niya sa Eat... Bulaga na Songs from the Heart, napapanood every Monday, Wednesday and Friday, dahil request ng viewers ang kanyang mga kinakanta. Next nilang hinihintay ay ang magka-album ang bagets!

* * *

Sa Ikaw Sana, windang si Sofia (Pauleen Luna) sa balitang acquitted si Eliza (Jennylyn Mercado). Nangako naman si Loreta (Maritoni Fernandez) na siya ang bahala kay Eliza. Sinadyest ni Sofia kay Michael (Mark Herras) na sa abroad na sila tumira at mag-isip ito.

Pero, kahit lumipas ang seven years, hindi pa rin maikakaila ni Michael na mahal pa rin niya si Eliza. Makakalaya na finally si Eliza at may farewell party ang mga kasamahan para sa kanya, pero paglabas niya ng bilangguan, may sasaksak sa kanya.

* * *

Monday sa Rosalinda, mag-aaway sina Rosalinda (Carla Abellana) at Fernando Jose (Geoff Eigenmann) at papipiliin ni FJ ang asawa sa kanila ni Alex (Jomari Yllana). Later on, makikipagbati rin si FJ kay Rosalinda.

Makikilala ni Florencio (Roderick Paulate) si Veronica (Jackielou Blanco) na may malaking kaugnayan kay FJ. Kokomprontahin ni Alex si FJ dahil lagi na lang nitong pinapasakitan si Rosalinda. Maaabutan ni Rosalinda si Alex na nahulog sa hagdan.

Source: People's Tonight