|
|
| 'I will not break my silence'Author: Nitz Miralles Hindi nagpa-interview si Direk Dominic Zapata nang makita namin sa taping ng Darna. "Wala kayong makukuha sa akin," ang sagot nang lapitan ng press para kausapin at sinundan ng "I will not break my silence. " Si Direk Dom ang boyfriend ni Krista Ranillo, na nali-link ngayon kay Manny Pacquiao. Maganda sanang alamin ang nararamdaman niya na natsitsismis sa iba ang GF. Kaso nga, ayaw nitong magpa-interview, na mabuti na rin at baka kung ano ang masabi niya. * * * Sunud-sunod ang endorsement ni Robin Padilla. Noong Tuesday, kapipirma lang niya sa Jag as the newest endorser ng jeans at noong Huwebes, ipinakilala siyang endorser ng Trust condom at marami pa siyang darating na endorsements. Natawa si Robin sa request ng press na i-demo niya kung paanong gamitin ang Trust condom at para mas malawak ang marating ng kampanya na gumamit ng Trust condom, gagawa si Robin ng TVC. "Noong una, wala sa plano ang gumawa ng TVC at billboard at print ad lang dapat, pero dahil naniniwala ako sa power ng media, gagawa kami ng TVC, hintayin n'yo na lang," sabi ni Robin. Kaya rin tinanggap ni Robin ang maging endorser ng Trust condom dahil sa malaking problema ng bansa sa populasyon. Dapat na raw aksyunan ng gobyerno ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga Pinoy at nagpapasalamat siyang ang Islam ay naniniwala sa family planning. Samantala, pelikula sa Star Cinema ang next project ni Robin, pahinga muna siya sa TV dahil kahit sumaya at lumigaya doing TV series, napagod naman siya nang husto. Ang balita namin, sa November 26 na ang first shooting day ni Robin sa bago niyang pelikula. * * * Nasa Singapore ngayon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa request ng mga Pinoy doon na makita sila dahil sa Dyesebel. Umalis sila gabi ng Thursday after ng taping ni Marian ng Darna. Two days sila sa Singapore at two days sa Malaysia. Pagbalik, taping uli ang haharapin ni Marian. Excited si Marian sa pagpasok nina Dennis Trillo at Katrina Halili sa Darna, pero bawal pang sabihin kung ano ang role ng dalawa, lalo na si Katrina. Si Dennis ay makakapalit ni Alfred Vargas, na tatakbong konsehal ng Quezon City at bukod sa kanila, marami pang mga bagong papasok na makakalaban ni Darna. Nalungkot si Marian sa hindi pagkatuloy ng Nieves, entry sana sa Metro Manila Film Festival, dahil for the first time, wala siyang entry at naintindihan din niya na hindi ibinigay sa ibang director ang pagdidirehe nito. Pinaghirapan daw ito ni Mike Tuviera at ng wife nito, pero sana raw, ituloy pa rin ang movie kahit hindi na pang-MMFF. Walang alam si Marian sa nagpu-float na balitang may Valentine movie sila ni Dingdong. Wala raw sinasabi ang manager niyang si Popoy Caritativo at ang focus niya ay sa Darna, na ang alam niya, up to third week of January 2010 pa ang airing. Marami pa raw siyang hirap na daranasin sa taping, pero dahil nagugustuhan ng viewers, kailangan niyang mag-sacrifice. Ipinakita nga nito ang bagong galos sa mga braso dala ng ginagawang fight scenes. * * * Halloween ang theme ng Celebrity Duets 3 today, kaya hindi lang pagalingan sa performance ang natitirang contenders, pabonggahan din ng costumes. Makaka-duet ni Niccolo Cosme si Frencheska Farr, si Luke Mejares ang ka-duet ni Akihiro Sato in gladiator costume, si Carla Abellana ang ka-duet ni Gina Alajar sa kantang Stop ng Spice Girls, si Andrea del Rosario ang ka-duet ni Joel Cruz at pareho silang naka-bee costume at Dracula naman ang costume ni Jomari Yllana at ang ka-duet niyang si Randy Santiago. Nanood ng taping si Geoff Eigenmann 'di lang siguro para samahan si Carla, kundi para na rin makita si Joel na hindi niya nagustuhan ang comment sa ina. Nagkausap kaya ang dalawa? * * * Special Halloween episode rin ang mapapanood sa Midnight DJ tonight, 8:30, sa TV5 titled, Trahedya de Boda. Tampok sina Michelle Madrigal at Jon Avila bilang sina Kat at Bullet na ikakasal sa nasabing episode. May paniniwalang bawal isuot ang wedding gown bago ang wedding day, mailigtas kaya ni Samboy (Oyo Sotto) at ng Midnight DJ team ang lahat ng bride-to-be at malaman nila ang malupit na sumpa ng blushing bride? Alamin ang mangyayari sa lovers na sina Kat at Bullet. Makasal kaya sila o mamalasin? Tamang desisyon din ba ang magpakasal sa Halloween? Source: People's Tonight |