|
|
| Ian, walang balak kumprontahin si NorieColumn: Tell & Tell "IT'S finished. It's done," sabi nga sa ikapitongwika ni Lord God Jesus Christ nu'ng siya ay ipako sa Krus. Kumbaga, today, masasabi naman nating "it's finished. " Meaning, ang Holy Week. Kaya, back to reality, back to work na naman, 'ika nga. Mabuti na lang at maraming big stars ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, na iere na mamayang gabi sa GMA Telebabad, kaya marami kaming naipon na kolum materials na pang-advance dahil nga sa ilang araw na vacation. Isa sa cast ng BADK ay si Ian de Leon, na mapapagkamalan mong si Bearwin Meily dahil sa bago nitong hairdo, kaya inakala namin na kontrabida ang role niya sa nasabing teledrama. "Hindi po. Good boy po ako rito. Bale anak ako ng mayordoma at saka ng driver ni Ms. D, tapos kababata ko rito si Diana and after many years, nagkita kami uli sa bahay ni Ms. D," eksplika ni Ian. Kumusta na ang mommy niya, ang one and only Nora Aunor, siyempre? "Okay naman po. Nu'ng isang gabi, ka-text ko siya. Okay naman siya. Wala naman pong problema. Everything is going smoothly naman. " Kailan daw ang balik niya rito? "Actually, wala po akong balita kung babalik siya o hindi, eh. Kasi, ang pagkakaalam ko, mas okay naman siya ru'n. Nandu'n na nga siya, pero 'yung mga tao naman dito, iniintriga pa siya. So, mas maganda na 'yung nandu'n siya. " Nandito na raw ang manager ni Nora na si Norie Sayo, nagkita na ba kayo? "Hindi pa po," aniya. Eh, 'pag nagkita kayo, kukomprontahin mo ba si Norie tungkol sa kasal isyu nila ng mommy mo? "Hindi na. Hindi na. What is done is done. Kung magkita kami, 'hi' and 'hello' lang. Ganu'n lang. Wala nang sumbatan. Ayoko nang pag-usapan 'yung isyung ganu'n," pagtatapos ni Ian, na jusko, jusmo, Ian F. , hanggang ngayon, ang laki-laki na niya, inuurot pa ang yours truly ng matchbox na in-OPM ko sa kanya nu'ng siya ay bulilit pa lang at nakatira pa sa Valencia mansion na ngayon ay opisina na ng Regal Films. Hamo Ian, 'pag napanalunan ng Ate Mers mo ang P200 million plus sa 6/49 lotto, hindi lang matchbox ang mage-gets mo, kundi isang car na transformer pa, hahaha! O, kaya, join ka na lang, Ian, sa Wheel of Fortune ni Kris Aquino. Who knows, baka ikaw na ang pang-limang mananalo ng brand new car? Yezzz, lima na ang nananalo ng brand new car with matching thousands of pesosesoses, kaya join na rin kayo, People's Tonight readers, tuwing 6 p. m. , sa ABS-CBN Primetime Bida, okidoki? Also, don't forget to watch Pinoy Big Brother Teen Plus, na nag-start na kagabi. Alamin kung tulad nina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez, maho-hostage rin ni Big Brother si Bianca Gonzales o Luis Manzano. Source: People's Tonight |