Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Iba ang feeling 'pag nakakatulong -- Marian

Author: Vir Gonzales

Mga kababayang humihingi ng tulong, kasabay ng kasiyahang makita ang hinahangaang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ang sumalubong noong magpunta sila sa Cainta, Rizal, para tumulong sa Ondoy victims.

Nagkataong walang taping noon kaya sinamantala nilang pumunta doon at mamigay ng relief goods para sa mga naging biktima. Laking gulat ni Marian dahil sobrang dami ng mga naging biktimang dinatnan nila doon.

Napatunayan nila ni Dingdong na totoong walang pinipili ang trahedya. Mahirap man o mayaman ay hindi ligtas dito.

Nakaramdam man ng kalungkutan si Marian dahil sa kanyang nasaksihan, medyo natuwa rin siya dahil naibsan kahit paano ang paghihirapan ng mga taong kanilang napuntahan.

"Iba ang feeling kapag nakakatulong ka sa tao. Masarap ang feeling," sabi pa ni Marian.

* * *

Mga enseymadang gawa ng Megamelt na pag-aari ng Muhlach family naman ang ipinamigay ni Alex Muhlach, tatay ni Niño, noong maganap ang pamiminsala ng bagyo.

Nang mapanood niya sa telebisyon ang naging epekto ng baha, inutusan agad niya ang kanyang mga tauhan na ibigay lahat ang mga panindang tinapay at mga mineral water na nasa ilang store nila sa Cainta, Marikina at Pasig kung saan meron silang branch.

Sabi nga ni Alex, pahiram lang ni Lord ang lahat ng bagay kaya hindi ito dapat ipagdamot. Katuwang niya si Niño sa pagtulong sa mga naging biktima.

Nakakuwentuhan namin si Alex noong maging bisita ito sa Baliuag nu'ng September 30 nang magbigay kami ng thanksgiving party. Dumating din ang balik-showbiz actor na si Abel Acosta na tatakbong vice mayor sa Baliuag. Walang gaanong binaha sa Baliuag, maliban sa tabing ilog na palaging biktima tuwing may bagyo.

* * *

Kahit daan-daang relief goods ang nirepak nina Izzy Trasona, Cheche Lazaro, Myca Bautista, Shane Gonzales at iba pang Sexbomb girls, wala raw silang pagod na naramdaman. Nagkataong wala silang taping for Daisy Siete kaya nakatulong silang mag-repack ng mga relief goods sa GMA-7.

Niging biktima din ng baha ang kasamahan nilang si Rochelle Pangilinan dahil tabing-dagat ang bahay nila sa Malabon.

* * *

Personal: Kahapon ay opening ng celebrity billiards ng D'Long KTV Bar na matatagpuan sa EDSA cor. Roxas Blvd. Pag-aari ito ni Mike Magat at nag-aanyaya siya sa mga gustong maglaro dito.

Habang wala munang TV assignments ay dito nagi-ging abala si Mike.

Source: People's Tonight