|
|
| 'Ibinebenta na ba talaga ang mga tropeo ngayon?'Author: Vir Gonzales NAAPI man sa kanyang role sa La Vendetta ng GMA-7, bongga naman ang kapalit dahil kasama si Jennylyn Mercado sa Resiklo, Metro Manila filmfest entry ni Sen. Bong Revilla. At least, movie ito at pang-filmfest pa, hindi telebisyon lang. Okay na rin para kay Jen, maghihintay na lang daw siya ng anumang project na ibigay ng Siyete. Contrary sa tsismis, hindi siya makalilipat sa ABS-CBN, dahil hanggang 2009 pa raw ang contract niya sa GMA. * * * WALA mang pahinga, aktibo pa rin sa pagbabalita ang magaling na broadcaster ng ABS-CBN na si Henry Omaga Diaz sa Bandila. Tuwing Sabado naman, napapanood si Henry sa XXX kasama sina Julius Babao at Karen Davila. As usual, mauuna na naman ang ABS-CBN sa pagsalubong sa Kapaskuhan para sa mga kaibigan sa press. Taun-taon, may pagtitipon silang inihahanda para sa mga tumutulong sa kanilang mga programa. Ngayong December 4 na gaganapin ang kanilang Christmas party sa pangunguna nina Bong Osorio ng ABS corporate PR at Rikka Dylim ng Star Magic. * * * BAKIT kaya tuwing may matatapos na awards night sa showbiz, palaging may nagtatanong kung magkano? Nakahihiya ang ganitong eksena sa mga tagahangang Filipino. Ibig bang sabihin, ibinebenta na talaga ang mga tropeo ngayon? * * * OUR condolences to the family of Kintaro Music Lounge owner Carol Santiago Fukuda. Her father, Roberto Boy Santiago, died last Nov. 26 in Baliuag, Bulacan. Source: People's Tonight |