Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ibinuburdang tattoo kay Robin cancerous

Ibinuburdang tattoo kay Robin cancerous

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

NARINIG namin ang chikang cancerous daw sa ba-lat ang gamot na inilalagay na tattoo sa katawan ni Ro-bin Padilla sa Joaquin Bordado.

At ayon sa chika, ito raw ay problema ngayon sa production ng pinakabagong telefantasya ng Kapuso Network.

True kaya na say daw ni Robin, ayaw na nitong magpalagay ng tattoo, eh, hindi naman puwede 'yun dahil mawawala ang kuwento ng Joaquin Bordado kapag hindi 'burdado' ang katawan ng bida, divah?

Ang text sa amin ng GMA-7 insider, ang unang ink o gamot daw na ginamit sa tattoo ni Binoe ay to-toong cancerous, kaya pinalitan ito agad ng paniba-gong ink.

So, nahimasmasan na rin si Robin dahil water-based na raw ang colored ink na ginamit for the tattoo.

"It's already cleared by the doctor na safe na itong gami-tin," text chika ng Kapuso insider.
* * *
SPEAKING of Joaquin Bor-dado, ang leading lady rito ni Binoe na si Iza Calzado is just too lucky ha-ving two new TV shows launched on the same month (at halos on the same week).

Mahusay naman kasing artista ang anak ni Lito Calzado kaya tuluy-tuloy ang trabaho nito sa GMA-7.

Aside from Bordado nga ay nailunsad na rin ang kanyang ESP kapalit ng Magpakailanman.

Dahil busy, hindi na nito magagawa ang Ploning na produced ng isang ba-gong independent film outfit, na sana'y makakasa-ma niya sa ikalawang pag-kakataon si Judy Ann Santos, after Ouija ng GMA Films.

Hinayang na hinayang si Iza dahil enjoy itong katrabaho si Juday, pero wala aniya siyang magagawa at di kakayanin ng kanyang skeds.

Si Iza na rin ang nagbalita sa aming si Mylene Dizon na ang pumalit sa kanyang role sa Ploning, debut film ng direktor nitong si Dante Garcia (production designer sa maraming Juday films).

Ang said indie film ay produced ng Panoramani-la na umano'y may former employees from Star Cinema, Inc.

Bonggacious naman ang Mylene dahil aside from Ploning (kung hindi nagbabago ang final casting), bida kung bida siya sa 100, bagong pelikula ni Direk Chris Martinez (scriptwri-ter ng funny Jeffrey Jeturian flick na Bridal Shower) na official entry to Cinemalaya 2008.

Ang 100 ay tungkol sa isang dying lady na may 100 days na lang to live at anu-ano ang dapat ba ni-yang gawin bago siya ma-wala sa mundo?

Fabulous break as a lead, best actress for Mylene Dizon, huh!
* * *
HOPEFULLY, mapansin na si Niña Jose, ex-housemate ng PBB Teen Edition 1, sa kanyang pagbabalik-limelight, after nitong magpatuloy ng kanyang pag-aaral ng European studies sa De La Salle University.

Si Niña ay 'yung mestisahin at prangkang Assumptionista na medyo maagang nagbabu sa na-sabing reality program, pero nagagandahan na ka-mi noon pa man sa kanya.

Ilang buwan ang nakalipas after PBB, nabigyan naman siya ng stint sa Ped-ro Penduko ng ABS-CBN at dito nga namin siya unang nakapanayam.

Say namin sa sarili, nakakahinayang naman ang beauty niya kung 'di siya mapu-push.

We got her mom's number and dumaan lang ang ilang buwan.

Si Direk Manny Valera, bilang isang aktibong talent manager, ay hindi humihinto in rediscovering talents na may potensiyal.

Nang one time ay natanong kami ni Direk kung sino ang puwede pang bigyan ng break na hindi lang napansin noon, we readily suggested Niña's name.

Hanggang sa dumating na ang panahong nagdi-dinner meeting na kami ni DMV with Niña and her parents sa Burgoo Gateway, for exploratory talks and doon pa lang ay idineklara na ni Direk Manny na kung hahawakan niya ito, kai-langan niyang magpa-sexy at bibigyan siya nito ng panahon to reduce.

Lumipas ang ilang buwan pa rin ay napag-isip-isip na ng newcomer, with her parents' consent na rin, na ready na nga siyang bumalik -- minus the pa-tweetums -- in sexy image na. And the contract signing with DMV Entertainment happened.

Niña will be a cover girl ng isang sexy men's mag this summer at mapapanood in a sexy Britney Spears dance number sa show ng Boyz. com and come- dianne Rubi-Rubi sa March 1 at Zirkoh Greenhills, San Juan.

Good luck and shall we say, welcome back to showbiz, Niña Jose!
* * *
FOR feedback and comments, please email us at mell_navarro@yahoo. com. ph.

Source: Taliba