Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Idol' judges, salto sa pagpili

Author: Nitz Miralles

Sa kanyang text message na nai-forward sa amin, sinabi ni Alessandra de Rossi ang rason kung bakit tinanggap niya ang Betty La Fea ng ABS-CBN at hindi ang offer ng GMA-7 na La Lola.

Ani Alex: "ABS-CBN offer is a perfect timing! I am happy of what is happening right now. I'll be forever grateful & thankful to GMA 7 because even if I'm not an exclusive artist, they supported me thru' the years that I'm with them.

"Why do I say no to La Lola? It's the role. Na-excite ako sa gagawin ko sa ABS. I'll be doing a very special role in Betty La Fea and after that I'll hv a soap na isa ako 'dun sa mga lead. My spirit is very high right now& I know I'm on the right track. "

Kontrabida ang in-offer na role kay Alex sa La Lola na kanyang tinanggihan at iniwasan na ring magkasama sila ni Rhian Ramos para hindi na maulit ang engkuwentro nila sa taping ng L. U. V. Pow!

Never na itong maipapalabas dahil ang isa pang kasama sa show na si Valerie Concepcion ay nauna pang lumipat sa Channel 2 kay Alex.

Sikreto pa ang gagawing soap ni Alex, na sabi nito'y isa siya sa mga bida.

Ang napag-alaman namin, ilan sa makakasama niya'y sina Jake Cuenca at Angelica Panganiban.

* * *

Na-report sa Showbiz Central last Sunday na active na uli sa showbiz si Sunshine Dizon.

Sa interview sa kanya, nagpahayag ito ng tuwa na sa comeback movie niya, ang Sundo, co-produced ng GMA Films at Viva Films, ang makakasama niya'y si Robin Padilla.

Kahapon ginawa ang pictorial nila nina Rhian Ramos at Katrina Halili, minus Robin at sa ibang araw yata ang schedule ng pictorial nito.

Kung matutuloy, this Tuesday sisimulan ni Direk Topel Lee ang shooting ng Halloween presentation ng dalawang film companies.

Obvious na nakapagpahinga si Sunshine dahil fresh ang aura at pumayat. Tuloy ang diet niya, nagdyi-gym at nagdya-jogging at masayang ibinalitang hindi na injection ang gamot niya 'pag sinusumpong ng migraine, kundi tableta na lang.

Magandang balita rin ang narinig namin na by October, may sisimulan siyang bagong show sa GMA-7 na malalaking artista rin ang makakasama. Pero siyempre, bawal pang isulat.

Ipinakita rin pala sa Showbiz Central ang August issue ng Playboy Philippines with Miriam Quiambao on the cover.

Cleavage lang ang ipinakita ng TV host sa cover at kahit ang ibang pictures niya sa loob, walang malaswa and no wonder, walang violent reaction ang Public Affairs department ng GMA Network.

Saka sabi nito, celebration at hindi rebellion ang pagpayag niyang mag-cover, na ipinagdasal pa niya sa Baclaran Church.

* * *

Hindi tumama ang choices ng Pinoy Idol judges na sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy na sina Kid Camaya, Ram Chaves at Jayann Bautista ang papasok sa Top Three ng contest dahil sa final tally ng text votes, out si Kid at sila ni Daryl Celis ang na-eliminate last Sunday.

Sa halip, ang hindi choice ng judges na si Gretchen Espina ang napasama sa Top Three at lalaban kina Ram at Jayann sa August 16, sa final performance night at may chance tanghaling 1st Pinoy Idol sa ultimate finale sa Aug. 17.

Overwhelmed si Gretchen sa pagkakasama sa Top Three, and at the same time, nalulungkot sa inisip ng tao na kaya lang siya napasama dahil mayaman ang kanyang pamilya.

Na-challenge ito, kaya lalaban siya kina Ram at Jayann sa finale. Si Ram ang nakikita niyang mahigpit na makalalaban.

Isang smack from his wife, ang statue ni St. Jude at Sacred Heart of Jesus at tita niyang six hours nagdarasal tuwing performance night ang lucky charms ni Ram para mapasama sa Top Three.

Si Jayann ang mahigpit niyang makakalaban dahil beterana na, pero lalaban pa rin siya.

Si Ram naman ang nakikita ni Jayann na makakalaban sa finale dahil magaling at iba ang genre. Triple ang effort niya sa paghahanda at total performer ang masasaksihan ng manonood sa finals. Dream come true sa kanya ang mapasali sa Top Three at itutuloy na niya ito para makuha ang 1st Pinoy Idol title.

Gagawin sa Halls 1 to 4 ng SMX Convention Center ng Mall of Asia ang final performance at result night. Guests sina Regine Velasquez, UP Concert Chorus, Hajji Alejandro, Verni Varga, Pupil, Cueshe, Itchyworms, Freestyle, South Border, Luke Mejares, Duncan Ramos, Callalily, Cueshe, Jett Pangan, at Basil Valdez.

Makakakuha ng tiket sa GMA Network, bukas, 1-5 p. m.

* * *

NGAYONG Martes sa Dyesebel, comatose si Buboy (Robert Villar) at sisisihin ni Dyesebel ang sarili sa nangyari sa kaibigan. Wala nang magtatanggol at susuporta sa kanya.

Mapapansin na ni Fredo ang masamang ugali ni Cassandra at aaminin niya sa sariling hindi niya mahal ang fake na Dyesebel.

Gusto nitong hindi ituloy ang kanilang kasal, pero ibinalita na ni Cassandra kay Don Juan (Ricky Davao) na ikakasal na sila ni Fredo.

* * *

Sa episode na I Used to Work Here sa Moms, ikukuwento nina Justice Teresita de Castro, Steve Tamayo at Raymond Villanueva kung ano at kung saan ang mga nauna nilang trabaho bago narating ang kinalalagyan ngayon.

Hosts sina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes.

Source: People's Tonight